Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Sports / PHILSCA Arnis team pararangalan

PHILSCA Arnis team pararangalan

Manila—Nagbalik nitong Lunes ang  Arnis Team na kumatawan sa Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) sa katatapos na 104th Baguio Day Charter National Arnis Championships 2013 na may temang “Arnis! Kampeon ng Lahing Pilipino” matapos ang kanilang outstanding performance sa Baguio City.

Nirendahan ang PhilSCA Arnis team nina coach Jerito Rosalejos, team consultant Jeremiahs Tumaque at sports unit department head Ms. Gigi Abalos-Manaog  na  tinanghal na  over-all champion sa event na ilan sa mga bigating koponan na lumahok ay mula sa Philippine Military Academy, Philippine Airforce at Philippine Navy. Ito ay naganap nitong Agosto 31 hanggang Setyembre 1 Easter College Baguio City.

Pararangalan ang PhilSCA Arnis Team kaalinsabay ng pagbubukas ng three-day PhilSCA Intercolor games ngayong Setyembre 4 hanggang 6 sa Villamor Air Base sa Pasay City.        (Lovely Icao)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top