Thursday , November 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Ang mga bagay ay magiging maayos para sa iyo bagama’t nalulungkot ang iyong puso.

Taurus  (May 13-June 21) Magiging mapili ka ngayon sa iyong magiging kasama. Tumanggi kung ayaw mo silang makasama.

Gemini  (June 21-July 20) Bagama’t marami kang taong dapat na pasalamatan, hindi ibig sabihin na lahat sila ay dapat mong padalhan ng bulaklak.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Maaaring malito ang iyong puso ngayon. Hindi mo mapipigilan ang iyong emosyon.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Ramdam mo ang seguridad ng iyong pag-iisip, nais mong galugarin pa ang ibang mundo.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Mainam ang sandali ngayon para higit na maging seryoso sa sining.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Huwag pakasiguro na natanggap ng tao ang iyong mensahe. Baka wala ka namang hinihintay na tugon.

Scorpio  (Nov. 23-29) Mapapahiya ka kaugnay sa iyong reaksyon sa sitwasyon na iba ang naging resulta.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) May kakaibang insidente na magpapangiti sa iyo.  Halata ang iyong pagiging masaya ngayon.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Panahon na para akuin ang responsibilidad na noon mo pa dapat na ipinatupad.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Sa iyong paghahanap ng love and romance, hindi ibig sabihin na dapat mong maging kaibigan ang lahat ng iyong makikilala.

Pisces  (March 11-April 18) Magiging pihikan ka ngayon sa iyu ng love and romance.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Mas mainam na maging marahan sa pagpapatupad ng mga proyekto upang matiyak na magiging pulido ito.

Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top