Thursday , October 9 2025

GF nabuntis binatilyo nagbigti

NAGA CITY – Nagbigti ang isang 17 anyos high school student ng Calabangan National High School nang mabuntis ang menor de edad din niyang kasintahan.

Natagpuan ng kanyang ama dakong 10 p.m. kamakalawa ang biktimang si Jeric Miguel Desobelle, 3rd year high school, habang nakabigti sa puno ng mangga sa likod ng kanilang bahay sa San Roque, Calabanga, Camarines Sur. Ginamit ng biktima sa pagbigti ang sintas ng sapatos.

Bago ang insidente, problemado ang biktima kung ano ang gagawin nang mabatid na nabuntis niya ang kanyang kasintahan.

Ayon kay PO2 Mark España, hindi matanggap ng pamilya ng babae ang pangyayari at hindi rin boto ang pamilya ng dalagita sa binatilyo.

Napagsabihan din siya ng kanyang ama na labis na ikinasama ng loob ng binatilyo.

Matapos magsimba kamakalawa ay naging balisa na ang biktima hanggang sa matagpuang nakabigti na sa puno ng mangga. (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda sa Bangkok Climate Talks delegates: Nahigitan pa ng  Pilipinas ang pangako nitong lumipat sa “Renewable Energy”      

IPINAGKAPURING ipinahayag ni dating Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa mga delegado sa ‘High …

PSC Elite Link

PSC at Elite Link, inilunsad ang Digital Platform para Suportahan ang mga Atletang Pilipino, Simula sa Batang Pinoy

INILUNSAD ng Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Elite Link, Inc., ang Elite Link—isang makabagong …

SM Super Spelling Bee 2025

SM Super Spelling Bee 2025: Young Word Wizards Shine at the Grand Finals

AFTER months of grueling eliminations held across the country, the nation’s most talented young spellers …

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag - Gabu residents

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag – Gabu residents

LAOAG CITY- Nagdulot ng matinding pagkadesmaya at tanong sa publiko ang biglaang pagguho ng bagong …

bagyo

Meralco nakatutok sa epekto ng bagyong Paolo

NAKAANTABAY at handa ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na magresponde kapag nagkaaberya sa …