Tuesday , September 23 2025

EDSA Tayo inismol ng Palasyo

MINALIIT ng Malacañang ang ilulunsad na ikalawang kilos-protesta laban sa pork barrel na ‘EDSA Tayo’ na pangu-ngunahan ng Simbahang Katoliko sa Setyembre 11.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin La-cierda, sa kanyang pagkakaalam ay itinanggi ng nagpasimuno ng “Million People March” na si Peachy Bretaña ang kaugnayan sa “EDSA Tayo” kaya hindi niya batid kung sino ang nasa likod ng pangalawang rally.

“I understand that the organizer of the first Million People March, Peachy Bretaña, disowned this second march. So I really don’t know kung sino po ang may plano,” giit ni La-cierda.

Ngunit kinikilala naman aniya, ng Palasyo ang karapatan ng mamamayan na magtipon-tipon alinsunod sa nakasaad sa Konstitusyon.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

bagyo

Super Typhoon Nando lalong lumakas; klase, pasok sa gobyerno suspendido

IDINEKLARA ng Malacañang ang suspensiyon ng mga klase at pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan …

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang hindi bababa sa 72 indibiduwal …

Celebrites Rally Protest

Entertainment sector lumahok sa protesta vs multi-trilyong korupsiyon

BUKOD sa sektor ng mga relihiyoso, lumahok sa panawagan ng publiko na labanan ang malawakang …

Protest Rally

Sa P3-trilyong anomalya sa flood control projects
MALAWAKANG PROTESTA ‘BUMAHA’ SA BUONG BANSA

LIBO-LIBONG indibiduwal ang nagtipon-tipon sa EDSA People Power Monument nitong Linggo, 21 Setyembre, bilang protesta …

Bulacan Police PNP

3 MWP tiklo sa Bulacan

ARESTADO ang tatlong indibidwal pawang may pinaghahanap ng batas at may kinakaharap na mga kasong …