Tuesday , September 23 2025

Aguilar ‘di makalalaro dahil sa pilay

APAT hanggang anim na linggo na hindi makalalaro si Japeth Aguilar para sa Barangay Ginebra San  Miguel sa PBA Governors’ Cup dahil sa kanyang pilay sa kanang tuhod.

Ayon kay Ginebra  coach Ato Agustin, sinabihan siya ng sikat na doktor na si Raul Canlas tungkol sa pilay ni Aguilar noong Biyernes nang natalo ang Kings kontra Barako Bull.

Dahil dito,  hihina ang ilalim ng Ginebra dahil pilay din si Kerby Raymundo.

“Japeth will be out for the rest of the eliminations,” wika ni Agustin. “Pati si Kerby, di pa natin alam kung kailan siya lalaro.”

Dahil sa pilay, nanganganib din ang paglalaro ni Aguilar sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup sa Espanya sa susunod na taon.

Sa ngayon, tanging sina Billy Mamaril at Rico Maierhofer ang mga naiwang sentro ng Ginebra.

“Balak naming kunin ng isa pang big man na free agent,” ani Agustin bago ang laro ng Ginebra kontra Alaska kahapon.

May posibilidad na ibabalik ng Ginebra si Eric Menk na kalalaro lang para sa San Miguel Beer ng ASEAN Basketball League.

Ni JAMES TY III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MPVA Pasay Lady Voyagers

MPVA Season 2: Pasay Lady Voyagers, bagito pero wagi sa opening game

SINIMULAN ng baguhang Pasay Lady Voyagers, na binubuo ng mga miyembro ng Philippine Air Force …

Cayetano Bryan Bagunas Alas Pilipinas FIBV

Cayetano pinuri ang Alas Pilipinas sa pag-akyat sa ika-19 puwesto sa FIVB world championship

PINURI ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang men’s volleyball team ng Pilipinas, ang …

FIBV Poland Canada

FIVB Volleyball Men’s World Championship
Poland tinalo ang Canada para umusad sa quarterfinals

UMARANGKADA ang Poland patungo sa susunod na round sa pagpapatuloy ng kanilang “redemption tour” Ipinakita …

Tats Suzara Pato Gregorio PSC PNVF Alas Pilipinas

Alas Pilipinas, Nagbigay ng Karangalan sa Bansa, Humahanga ang Mundo

NAGBIGAY ng hamon si Ramon “Tats” Suzara, pangulo ng Philippine National Volleyball Federation, sa mga …

Alas Pilipinas FIBV

Alas Pilipinas, inukit ang pamana ng puso sa kabila ng pagkatalo

NAGTAPOS ang kwento ng Alas Pilipinas sa kauna-unahan nitong paglahok sa World Championship nitong Huwebes …