Friday , April 26 2024

2 Chinese nat’l na ipupuslit sa UK bigo sa BI-NAIA

BINIGO ng  Bureau of Immigration (BI) officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tangka ng human trafficking syndicate na papuslitin ang dalawang illegal Chinese nationals patungo sa United Kingdom, gamit ang Maynila bilang jump-off point.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ni BI port operations division (POD) chief Marc Red Mariñas ang mga pasahero na sina Lin Chen Hui, 29, at Chen Huajuan, 27.

Sinabi ni  Mariñas, ang dalawang Chinese ay nasabat nitong Huwebes sa NAIA 2 terminal ng mga operatiba ng BI travel control and enforcement unit (TCEU) habang pasakay sa Philippine Airlines patungo sa London.

“They earlier arrived as transit passengers from Dubai and were already at the boarding gate when the BI officers were alerted by airline personnel on their attempted departure,” pahayag ni Mariñas.

Dagdag niya, bagama’t nagpakita ang mga pasahero ng Chinese passports sa pagsakay sa eroplano patungo sa Maynila, kalaunan ay inilabas nila ang kanilang tampered Macau Special Administrative Region passports na intensiyong gamitin para ilegal na makapasok sa UK.

“We have already alerted members of our border control and intelligence unit to be extra vigilant in monitoring arriving foreigners, especially transit passengers bound for other countries,” dagdag ni Mariñas.

Bunsod ng insidente, iniutos ni Morente na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa kaso, kabilang ang posibleng pagkakasangkot ng airport personnel sa napigilang human traficking operation.

Kasabay nito, iniutos ni Morente sa POD legal section na pag-aralan ang posibilidad na pagsasampa ng kasong kriminal sa mga dayuhan kaugnay sa paglabag sa Trafficking In Persons Act.

Sinabi ni Mariñas, ang Chinese nationals ay kasalukuyang nakapiit sa holding facility ng paliparan habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.

Samantala, isiniwalat din ni Mariñas ang mga kaso ng Chinese nationals na may pekeng travel papers, na ipinuslit sa UK at iba pang Western countries, at agad humingi ng asylum pagdating sa kanilang destinasyon. (JSY)

About JSY

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *