Friday , April 19 2024
NAIA plane flight cancelled

18 domestic flights sa NAIA kanselado (Sa Runway closure sa Iloilo)

UMABOT sa 18 domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nakansela matapos isara ang runway sa Iloilo International Airport nang sumadsad ang isang eroplano ng Cebu Pacific.

Ipinahayag ng Cebu Pacific, 12 flights ang kanilang kinansela na apektado ang biyaheng Manila-Iloilo-Manila 5J447/448, Manila-Iloilo-Manila 5J449/450, Manila-Iloilo-Manila 5J451/452, Manila-Iloilo-Manila 5J453/454, Manila-Iloilo- Manila 5J457/458, at Manila-Iloilo-Manila 5J467/468.

Gayonman binigyan nila ng pagpipilian ang mga pasahero sa mga kanseladong flight na: i-rebook ang kanilang biyahe sa loob ng 30 araw mula sa orihinal na departure date; o kaya ay mag-reroute sa alternatibong estasyon gaya sa Roxas, Bacolod o Kalibo para sa domestic flights; Cebu o Maynila sa mga biyahe patungo at mula sa Singapore; o maaari rin silang mag-refund.

Maaari rin silang magpalit ng free round-trip travel voucher. Para sa flight details, ang mga apektadong pasahero ay pinapayohang tumawag sa Cebu Pacific hotline (+632)702-0886, o magpadala ng mensahe sa official Cebu Pacific pages sa Facebook (https://www.facebook.com/ cebupacificair), o Twitter (@CebuPacificAir) para sa pagpapalit ng flight schedules o sa para sa iba pang pagpipilian na nabanggit sa itaas.

Samantala, may anim na PAL Express flights ang apektado, ang biyaheng Manila-Iloilo-Manila 2P2139/2140, Manila-Iloilo-Manila 2P2141/2142, at Manila-Iloilo-Manila 2P2143/2144.

Nauna rito, nag-isyu ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng notice to airmen (NOTAM) na nagsuspendi sa operasyon ng Iloilo International Airport hanggang mamayang 6:00 pm, makaraan mag-overshoot ang isang eroplano ng Cebu Pacific nang lumapag dakong 11:10 pm nitong Biyernes.

Ligtas ang 180 pasaherong sakay ng naturang eroplano. (GMG)

About G. M. Galuno

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *