Friday , April 19 2024

Willie Revillame inaalok ng anak ni Duterte

DAPAT pag-isipan mabuti ni Willie  Revilame, kung papasok siya sa politika. Inaalok kasi siya ni Mayor Sara Duterte Carpio na sumama sa Partido Hugpong Pagbabago (HNP). Walang problema kung Senador ang takbo ni Willie, may panalo naman siya kasi sikat naman ang show niya na Wowowin sa GMA 7 at primetime pa ito napapanood. Ang ibig sabhin nasa magandang oras ang kanyang show.

Maraming natutulungan na kababayan natin si Willie, kapag pumasok siya sa politika at nanalong senador, am sure mapapabayaan niya ang show niya na Wowowin. Marami pa naman ang umaasang tao sa kanya para may trabaho sila bukod pa sa ibinibigay niyang biyaya  araw-araw sa mga tao. Puwede naman siyang makatulong nang wala sa politika.

****

Napalaban  sa kantahan sina dating senador Robert Jaworski at spokesperson ng KABAYAN party-list na si Angelica Jones sa ika-9 na anibersaryo ng KABAYAN Party-list kahapon sa Ayala Southpark Mall, Alabang.

Ang KABAYAN Party-list ay itinatag ni Congressman Ron P. Salo at ng kanyang mga kasamahan noong Agosto 2009. Sina Cong. Salo at Cong. Ciriaco S. Calalang ang kasalukuyang kinatawan ng KABAYAN Party-list sa Kamara. Si Cong. Calalang ang pumalit kay dating Cong. Harry Roque na ngayon ay tagapagsalita ng Pangulo.

Ang mga pangunahing adbokasiya ng KABAYAN Party-list ay kalusugan, pabahay, kabuhayan, edukasyon at kapakanan ng overseas Filipino workers 0 OFWs (KABAYAN + 2).  Ang KABAYAN Party-list ang isa sa pangunahing nagsusulong ng Universal Health Care (Kalusugan Pangkalahatan), Philippine Mental Health Law, 14th month pay, national minimum wage, pagbibigay ng regular na sahod sa mga opisyal ng barangay, pagbibigay ng regular na honorarium sa Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Equalization Act o pagbibigay ng dagdag na pondo sa mga barangay, at dagdag na sahod sa mga titser.

“Mananatiling katuwang ng pamahalaan ang Kabayan Party-list sa pagsusulong ng mga polisiya at mga batas na higit na magpapabuti sa buhay ng bawat Filipino,” ani Cong. Salo.

Layunin ng KABAYAN Party-list ang bigyang kakayahan ang bawat Filipino na pagandahin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng paglilinang ng kanilang kaisipan (critical thinking), kasanayan (competency/ craftsmanship), at katauhan (character).

“Patuloy na isusulong ng KABAYAN Party-list ang karapatan at kapakanan ng mga Filipino sa mas maayos na kalusugan, pabahay, kabuhayan at edukasyon, at pagbibigay ng higit na proteksiyon sa ating OFWs,” ang sabi naman ni Cong. Calalang.

May gobernador, congressmen, mayors at iba’t ibang opisyal ng gobyerno ang inaasahang dadalo sa nasabing pagdiriwang ng KABAYAN Party-list. Pararangalan ng KABAYAN Partylist ang mga aktibo at masigasig nitong kinatawan (coordinators), miyembro at mga kaanib na organisasyon mula sa iba’t ibang dako ng Filipinas. Libo-libong mga kababayan nating maysakit at mga estudyante ang nabigyan na ng tulong-pinansiyal ng KABAYAN Party-list.

Sina Pangulong Rodrigo R. Duterte, Senate President Tito Sotto, Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Secretary Bong Go at Mayor Sara Duterte ay nagpaabot ng kanilang pagbati sa pamunuan ng KABAYAN Party-list sa matagumpay na pagsusulong ng kanilang adbokasiya para sa mga Filipino.

Maraming mga kongresista at opisyal ng gobyerno ang nagpaabot din ng kanilang malugod na pagbati.

****

Lahat ng mga tagasubaybay ng Eat Bulaga  araw-araw ay masaya, kasi naman panay ang bigay ng biyaya ng nasabing show sa mga kababayan natin lalo sa portion nilang Juan For All, All for Juan, Bayanihan of the Pipol hanggang 120,000 ang ipinamimigay nila sa mga masuwerteng napipili.

Kaya tutok lang lagi sa Eat Bulaga  mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7 lang po!

PALABAN
ni Gary P. Sta. Ana

About Gary P. Sta. Ana

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *