Wednesday , February 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Wanted rapist sa Rizal, arestado
Wanted rapist sa Rizal, arestado

Wanted rapist sa Rizal, arestado

NASAKOTE ang 32-anyos tricycle driver na matagal nang nagtatago sa batas dahil sa kasong rape sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ni Supt. Melchor Agusin, hepe ng pulisya ang nadakip na si Danilo Cherrieguinie III alyas Nilo, 32 anyos, nakatira sa Sitio Sapa Wawa, Brgy. San Rafael ng nabanggit na bayan.

Dakong 1:00 pm, nang dakpin ang suspek sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Josephine Zarate-Fernandez ng RTC, 4th Judicial Region Branch-76 ng San Mateo sa kasong Sexual Abuse at Rape na sumampa noon pang 22 Setyembre 2015.

Nasa rekord din ng pulisya na ang suspek ay No. 4 most wanted sa bayan ng Rodriguez at sa lalawigan ng Rizal. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top