Wednesday , April 24 2024

Utol nina Elmo at Maxene Magalona arestado (Nandakma ng wetpu)

ARESTADO ang kapatid ng mga artistang sina Elmo at Maxene Magalo­na, sa Taguig City nitong Lunes ng umaga, ayon sa ulat ng pulisya.

Dinakip ng mga awto­ridad si Francis Michael Magalona nang irekla­mong nandakma ng puwet ng isang babae, ayon kay Southern Police District Director, C/Supt. Tomas Apolinario Jr.

Ayon sa biktima, ku­mu­kuha siya ng alcoholic beverages nang lumapit si Magalona sa kanyang likod at biglang dinakma ang kanyang puwet.

Agad ini-report ng biktima, na isang VIP host ng Revel Bar, ang insidente sa kanilang supervisor at humingi ng tulong sa kanilang head bouncer na siyang umaresto kay Magalona.

Nakapiit si Magalona sa Taguig police station.

Wala pang inilalabas na komento ang kampo ng suspek hinggil sa insiden­te.

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *