Friday , April 26 2024

Tserman, 3 pa tiklo sa buy-bust

ILOILO CITY – Arestado ang punong barangay at tatlong iba pa sa buy-bust operation sa Dumangas, Iloilo kamakalawa

Kinilala ang mga nahuli na sina Punong Brgy. Teofisto Gomez, 56, ng Brgy. Calao, Dumangas; Michael Libo ng Brgy. Cuartero, Jaro, Iloilo City; Mark Jason Diamante ng Brgy. Poblacion, Dumangas, at Judy Demafilis ng Brgy. Ilaya III, Dumangas.

Ang mga suspek ay nabilhan ng P500 halaga ng shabu at nakompiskahan ng anim na bulto ng nito na tinatayang nagkakahalaga ng P160,000, M16 rifle at .40 caliber pistol.

Ayon kay Senior Supt. Cornelio Salinas, director ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), ang nahuling punong barangay ay isang high value target.

Napag-alaman na si Gomez ay ikalimang punong barangay na nahuli sa lalawigan ng Iloilo dahil sa ilegal na droga.

Ang operasyon ay isinagawa ng Dumangas PNP, intelligence operatives ng IPPO at Iloilo Public Safety Company.

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *