Wednesday , April 24 2024

Tinarayan nga ba o hindi ni Anne si Sam?

ni  Alex Brosas

TRUE kaya ang chismis na  tinalakan, tinarayan, at ipinahiya ni Anne Curtis ang boyfriend ng sister niyang si Jasmine Curtis Smith na si Sam Concepcion?

As reported by a website, it happened daw  noong March 31 when Anne was at the birthday party ni Vice Ganda matapos itong mag-host ng 2014 Binibining Pilipinas pageant.

True ba na sinugod ni Anne si Sam na nasa balcony noon at kausap ang ilang babaeng bisita?

“Why are you here? Who invited you? You are not classy enough to be here!”

‘Yan daw ang pagtataray ni Anne. Sa lakas daw ng boses ng Kapamilya actress ay talagang dinig ng lahat ng nasa balcony ang kanyang boses.

Wala na lang daw kibo si Sam while Anne was berating him.

Nilait din daw ni Anne ang car ni Sam at sinabi raw na mas maganda pa rito ang pinakaluma niyang sasakyan.

“Ba’t mo niloloko ang kapatid ko?” tili pa raw ni Anne sa binata.

Umalis na lang daw si Sam sa party dahil sa kahihiyang ginawa sa kanya ni Anne.

True ba ito Anne? Pakisagot nga.

(Sa kabilang banda, kaagad ding itinanggi ni Anne sa PEP. Ph ang napabalitang pagtataray niya kay Sam. Aniya, walang katotohanan ang lumabas na balita. Katunayan, inihabilin pa raw niya kay Sam ang kapatid nitong si Jasmine at sinabing, alagaan ang kapatid niya. Ipinost din ni Anne sa kanyang Instagram ang isang litratong magkakasama sila ni Sam at sinabing,  ”Taken at Vice’s birthday. Of course I spoke to Sam that night and as always, I told him to take care of my baby sister. Like any ate would do BUT to clarify I DID NOT say any of those words written in the article. Kahit tanungin nyo pa si Sam. Even he doesn’t know where those words came from. Basta. Ang mahalaga Sam and I are ok. End of story, no issue here. =Ø‹Ü”—ED)

About hataw tabloid

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *