Saturday , April 20 2024

Tambay darami na naman

AABOT sa isang milyon mag-aaral sa kolehiyo at vocational school ang magsisipagtapos ngayong school year na 2016-2017.

Isa lang ang ibig sabihin nito:  madaragdagan na naman ang malaking bilang ng mga tambay sa kanto at pasanin ng kanilang mga magulang kahit mga nagsipagtapos pa sa kolehiyo. At hindi nakapagtataka na may ilan sa bilang ng mga tambay ang mauuwi sa barkada na kinalaunan ay maging sanhi pa ng mga gulo o krimen.

‘Yung iba naman na ayaw maging pabigat sa mga magulang, kakagatin ang trabaho kahit hindi ito ang kanilang linya o pagkalayo-layo sa kursong kanilang tinapos, basta masabing may trabaho. Kaya ang kadalasang kahihinatnan nito ay underemployment.

Matagal nang problema ito ng pamahalaan pagdating sa usapin ng paggawa. Patuloy ang pagtaas ng bilang ng unemployment at underemployment. Ang mga kadahilanan kung bakit patuloy na tumataas ito ay dahil sa sinasabing job-skill mismatch, bukod pa sa problema na mababang pasahod, contractual scheme at hindi ligtas na trabaho.

Ito ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon ng pamahalaan. Hindi dapat ituon lamang ng administrasyon ni Rodrigo “Digong” Duterte sa paglaban sa krimen at droga, kundi trabaho rin na kung tutuusin ay siya ring dahilan kung bakit tumataas ang bilang ng krimen.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *