Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Tag Archives: PCOO

Tag Archives: PCOO

Feed Subscription

Mocha tatakbo para sa anong puwesto?

GALIT na si resigned PCOO assistant secretary Esther Margaux Justiniano Uson, kaya mukhang ‘itinaga niya sa bato’ na tatakbo siya sa halalang gaganapin sa Mayo 2019. Pero ang tanong, ano kayang posisyon ang target ni Mocha?! Pirmis na ba siyang Senado ang aambisyonin niya? Baka matulad lang siya sa sinabi ni ‘Tatay Digong’ kay Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi ... Read More »

Mocha ‘di absuwelto sa resignasyon (Andanar dapat sumunod kay Uson)

Mocha Uson Martin Andanar

HINDI ligtas si Assistant Secretary Mocha Uson sa pananagutan matapos siyang mag-resign sa puwesto sa Presidential Communications Operations Office (PCOO). Ayon kay Rep. Salva­dor Belaro, ng 1-Ang Edukasyon Party-list, ang hepe ng PCOO na si Sec. Martin Andanar, ay dapat rin sumunod kay Uson. Ang pagbibitiw ni Uson, ani Belaro ay isang gintong oportunidad para sa Malacañang at sa PCOO ... Read More »

Resignation ni Mocha aprub kay Duterte

Hataw Frontpage Resignation ni Mocha aprub kay Duterte

KINOMPIRMA ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson. Sinabi ni Go, kama­kalawa ng hapon natang­gap ni Pangulong Duterte ang resignation letter ni Uson. Ayon kay Go, inire­respeto nila ang naging desisyon ni Uson at pinasasalamatan nila ang kanyang serbisyo. Magugunitang naging kontrobersiyal si Uson ... Read More »

Mocha hindi sumuko nang mag-bye-bye sa PCOO, digmaan ‘este laban dadalhin sa Kongreso

Mocha Uson

NAKAHANAP nag-graceful exit si Assistant Secretary Esther Margaux J. Uson, a.k.a. Mocha sa pamamagitan ng pagbibitiw sa Presidential Communications Operations Office (PCOO). Ang petsa ng resignation ni Mocha, na ini-address kay Pangulong Rodrigo Duterte at naka-Cc kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ay 1 Oktubre 2018. Kapansin-pansin na hindi sa kanyang immediate boss na si PCOO Secretary ... Read More »

Budget ni Mocha nais isalang ng solon sa Kamara

BUBUSISIIN ng Kama­ra ang budget ng Pre­sidential Commu­nica­tions and Operations Office (PCOO) imbes ibigay ang hiling nito na dagdagan ang pondo nila. Ayon kay House Deputy Speaker Rep. Fredenil Castro ng Capiz ipina-defer nila ang pagdinig sa budget ng PCOO dahil hindi na­man nito nagagastos nang maayos ang kani­lang pondo. “Kasi ‘yung absorp­tive capacity ang pag-uusapan ay nakikita na­man natin ... Read More »

Drew Olivar numero unong ‘destabilizer’ ni Tatay Digong

Mocha Uson Guillermo Eleazar Drew Olivar Rodrigo Duterte

PABOR tayo kung sasampahan ng kaso ni NCRPO chief, DG Guillermo Eleazar ang alalay ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na nagpapakilalang blogger na si Drew Olivar dahil sa ‘bomb joke.’ Mukha kasing masyadong humahaba ang ‘sungay’ nitong alalay ni ASec. Mocha, na hindi natin maintindihan kung bakit hindi kayang disiplinahin ng PCOO official?! ‘Stress reliever’ siguro ni ASec. Mocha ... Read More »

Mocha, blogger dapat managot sa ilalim ng R.A. 9442 (Magna Carta for Disabled Persons)

Mocha Uson Drew Olivar

MUKHANG dapat nang ipagpag ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ang mga taong hindi nakatutulong sa kanyang pagtupad ng tungkulin bilang opisyal ng gobyerno. Pero bago ‘yan, mukhang kailangan muna nilang harapin ang consequences ng kanilang paglabag sa Republic Act 9442 (Magna Carta for Disabled Persons and for other Purposes). Huwag na nating pangalanan ang baklang mukhang wala sa tamang ... Read More »

Sign language ng pipi’t bingi binastos ni Mocha (Isasalang ng PCOO executives)

Mocha Uson Drew Olivar

MAGPUPULONG ang mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) upang talakayin ang panibagong viral video ni Assistant Secretary Mocha Uson at pro-Duterte blogger Drew Olivar na ginawang katatawanan ang “sign language” na ginagamit ng mga pipi’t bingi. “I will dicuss this with the team,” ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar hinggil sa viral video na umani ng batikos ng ... Read More »

Jay Sonza, nasilat o biktima ng fake news

Jay Sonza

HINDI pa rin ba magbubunga ang mga tsiwari-wariwap ng dating broadcaster ni Jay Sonza pabor sa administasyong Duterte para magkaroon ng karir? Mukhang biktima si Jay ng fake news na siya ang ipapalit kay Martin Andanar bilang PCOO Secretary. Nadamay din sa pekeng tsika ang nananahimik na si Davao City Mayor Sarah Duterte na padrino raw ni Jay by virtue ... Read More »

PCOO Chief Andanar nadale ng fake news?!

Martin Andanar PCOO

MANTAKIN n’yo naman, kung sino ang namumuno sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) e nadale pa ng fake news?! Hindi ba’t kamakailan ay kumalat ang balitang papalitan na raw si PCOO chief, Secretary Martin Andanar ni broadcaster Jay Sonza. Ang pagpapatalsik umano kay Andanar ay kaugnay ng kontrobersiya sa PTV4 na sinabing nagamit ng Tulfo siblings para pagkakitaan ng P60 ... Read More »

PCOO allergic na kay Mocha

SIYAM na opisyal daw ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang nakiusap kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-dismiss si Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa kontrobersiyal na video tungkol sa Charter change na ini-post sa social media. Ang sulat para sa Pangulo ay may kopya rin sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go. ... Read More »

Memo ng PCOO babala sa mga aksiyong pasaway ng kanilang mga opisyal

READ: Sa insidente ng pagkabalaho ng Xiamen Air sa runway: MIAA officials huwag sisihin BUMILIB tayo kay PCOO Undersecretary Lorraine Badoy, Undersecretary for New Media and External Affairs, nang magbabala at paalala­hanan niya ang mga kasamahan na ang bawat isa sa ahensiya ay may krusyal na papel sa ating bansa. Hinikayat ni Badoy, chairperson din ng PCOO Gender and Development ... Read More »

Mocha, ‘di pa tapos sa ‘pepe-dede-ralismo’

READ: Rowell, absent sa mga bigating director ni Sharon ANG ‘di kayang gawing pagsibak kay PCOO ASec Mocha Uson ng gobyerno—sa kabila ng kaliwa’t kanang panawagan bunsod ng kanyang pambababoy sa pederalismong isinusulong ng Duterte administration—ay bahagyang kinatigan ni PIA (Philippine Information Agency) Director General Harold Clavite. Kung tutuusin, ang hinihingi ni Clavite na mag-sorry si Mocha sa sambayanang Filipino at mag-take muna ng leave ... Read More »

Economic bright boys ni Digong ayaw sa Federalismo

READ: Bilang permanenteng pangalan ng Clark International Airport: Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) ibabalik ANG Gabinete ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay parang choir… ‘Yun lang, choir na iba-ibang piyesa ang kinakanta sa iisang pagkakataon. Kung ang kanilang conductor (Digong) ay kumukumpas para sa Federalismo, tila kuma­kanta naman ng kontra-piyesa sina Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez III at Socio Economic ... Read More »

Mocha, kapit-tuko sa puwesto

SA kabila ng nakabibinging panawagan na magbitiw na siya sa kanyang puwesto ay mukhang malabo itong gawin ni PCOO ASec Mocha Uson. Obviously, bunsod ito ng paraan ng kanyang info drive tungkol sa pederalismo sa pamamagitan ng kanyang online game show. Tinuligsa ang “pepe-dede-ralismo” campaign nila ng blogger na si Andrew Oliver. Mga kaalyado na rin ng Duterte administration ang nagsalita. Maging ang mga ... Read More »

Leave of absence, public apology sa publiko

UMALMA ang isang opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) laban sa mga ka-cheapan ni Assistant Secretary Mocha Uson dahil hindi na niya kayang sikmurain ang mga kahihiyan ibinibigay ng dating sex guru sa serbisyo-publiko. “As far as I’m concerned, Ms. Uson’s actions since her ap­pointment have time and again proven to be in poor taste — a display of ... Read More »

P100-M dagdag budget ng PCOO kinuwestiyon

KINUWESTIYON ni Senadora Grace Poe ang pagtapyas sa 2019 national budget sa mga mahalagang ahensiya ng gobyerno habang dinag­dagan ng P100 milyon ang budget para sa Presidential Commu­nications Operations Office (PCOO). Reaksiyon ito ni Poe dahil maraming ahensi­ya ang magkakaroon ng malaking bawas sa kani­lang budget sa panu­kalang appropriation para sa 2019. Mababawasan ng budget ang DA (mula P61 bilyon patungong ... Read More »

Mocha, type magtrabaho sa DOJ (kaya kumukuha ng Law)

NAKABIBILIB malamang kumukuha ng ikalawang kurso sa kolehiyo si PCOO Mocha Uson. Barring all obstacles, kung matatapos siya ng Law ay bale dalawa na ang kanyang magiging degree: the first one being a pre-med course sa UST. Bibihira sa mga personalidad sa showbiz ang may ganitong academic background. Sa kabila kasi ng kanilang hectic work ay kahanga-hangang napaglalaanan pa nila ng ... Read More »

Nagbatohan ng ‘fake news’ sa senado

SA ginanap na hearing ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Senator Grace Poe hinggil sa ‘fake news’ nagbatohan ng ‘fake’ arguments ang i­lang resource person. As usual, ang batohan ay muling umabot at lumabas sa social media. Kanya-kanyang sisihan at turuan kung sino ang nag-umpisa at kung sino talaga ang naglalabas ng mga ‘fake ... Read More »

Fake news sa PNA, PIA inamin ni Andanar

INAMIN ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang kanilang pagkamamali sa nailabas na sa fake news sa Philippine News Agency (PNA) at Philippine Information Agency (PIA). Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe, hindi itinanggi ni Andanar ang pagkakamali ng kanyang ahensiyang pinamumunuan, sa paglalabas ng maling ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved