Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Tag Archives: OFWs

Tag Archives: OFWs

Feed Subscription

US$12K tinapyas sa placement fee (Sa Pinoy caregivers sa Israel)

JERUSALEM – Mabu­bunutan ng tinik ang mga Filipino caregiver na nais magtrabaho sa Israel matapos lagdaan kamakalawa ang kasun­duan para mabawasan ng US$12,000 ang bina­bayarang placement fee. Lubos ang naging pasa­salamat ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kay Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kanilang makataong pagtrato sa halos 28,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang bansa. Ayon kay Pangulong Duterte, hindi ... Read More »

2018 DFA budget sinasabotahe nga ba ni Senator Hontiveros?

Alan Peter Cayetano Risa Hontiveros DFA Budget

TINANGKA nga ba ni Senator Risa Hontiveros na harangin ang budget ng Department of Foreign Affairs (DFA) para hindi maipasa sa plenary? Itinatanong natin ito dahil sa pagdinig ng Senate Committee on Finance para sa budget ng DFA sa 2019, pinuna ni Senadora Risa ang kawalan ng aksiyon ng ahensiya sa kabila ng umano’y pambu-bully ng China sa West Philippine ... Read More »

196 Pinoy namatay sa Kuwait (Mula 2016) — OWWA

UMABOT sa halos 200 Filipino ang namatay sa Kuwait mula noong 2016 dahil sa usaping medikal habang ang iba ay nagpasyang tapusin ang kanilang buhay. Sa talaan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), 155 ang namatay sa dahilang medikal, 14 ang binawian ng buhay dahil sa aksidente, 22 ang nagpakamatay , at lima ang hindi pa batid ang dahilan. Ibinahagi ... Read More »

2 months extension ng Kuwait sa amnesty program samantalahin (Payo ng DFA sa OFWs)

PINAYOHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Kuwait na samantalahin ang dalawang buwan extension na ibinigay para sa amnesty program ng gobyerno ng naturang bansa para makauwi sila sa Filipinas. Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, base sa ulat ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Vil­la, ang amnesty program ng Kuwait go­vernment para sa mga dayuhang nagtra­tra­baho sa kanilang bansa ay ... Read More »

Hanggang kailan ang OFW deployment ban sa Kuwait?

ISANG Administrative Order ang ipinalabas ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na nag-uutos na muling ipatupad ang “total ban” sa deployment ng overseas Filipino workers  (OFWs) sa Kuwait. Ito ay alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte matapos mabuyangyang ang sunod-sunod na reklamo tungkol sa naaabusong Pinay sa naturang bansa. Pinakahuli ang natagpuang Pinay ... Read More »

INC leader itinalagang special envoy ni Duterte (Para sa OFWs)

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Eduardo Villanueva Manalo bilang Special Envoy of the Pre­sident for OFWs concerns. Epektibo ang kanyang appointment mula 30 Enero  2018 hanggang 29 Enero 29, 2019. Inaabangan ng publiko kung ang pagtatalaga kay Manalo bilang Special Envoy ng pangulo ay tatanggapin at babasbasan ng buong INC. Ayon sa isang political observer, tila may “impropriety” sa pagtanggap ni Manalo ... Read More »

Kahit kaluluwa isasanla ni Digong kay Satanas (Para sa OFWs)

HINDI mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbili ang kaluluwa sa demonyo upang masuportahan ang mga babalik na overseas Filipino workers (OFWs) na naranasan ang impiyerno sa kamay ng mga among Kuwaiti. Sa kanyang talumpati sa mass oath-taking ng mga bagong presidential appointees kahapon sa Palasyo, inihayag ng Pangulo na hindi kaya ng kanyang sikmura na hayaan lang na magpatuloy ... Read More »

Pinoy nurse, drivers wanted sa Czech Republic

PORMAL nang binuksan ng Czech Republic ang kanilang pintuan para mag-alok ng mga trabaho sa mga Filipino. Sinabi kamakailan ni Czech Ambassador to the Philippines Jaroslav Olsa, Jr., kailangan punan ng kanilang bansa ang pangangailangan sa mga manggagawa. Kabilang sa mga trabahong maaaring pasukin ng mga Filipino ay driver, manufacturing technician, warehouse manager, warehouse worker, forklift operator, baker, butcher, nurse, ... Read More »

China, Russia target ng DoLE (Para sa OFWs)

INIHAYAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Linggo, ikinokonsidera nila ang mga bansang maaaring paglipatan sa overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi mula sa Kuwait. “We are now in the process of looking alternative markets. One of them is China. And even Russia,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III. Tinatayang 800 undocumented OFWs sa Kuwait ang nakatakdang ... Read More »

OFWs bawal sa Kuwait

INIHAYAG ni Labor Secretary Silvestre Bello III, magpapalabas siya ng bagong order ngayong Lunes, hinggil sa pagpapatupad ng total deployment ban sa Filipino workers sa Kuwait. Sinabi ni Bello, inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng order hinggil sa total deployment ban, hiwalay sa nakaraang utos na pagsususpende sa proseso ng bagong employment certificates. “This time, what the ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved