Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Tag Archives: OFW

Tag Archives: OFW

Feed Subscription

Mga arogante at masusungit na sales staff ng Duty Free PH

DAHIL sa karanasan ng isang kaanak natin nitong nakaraang linggo sa Duty Free Philippines, muling nabuhay sa alaala natin ang naranasan din ng isa nating katoto sa nasabi ring shopping center. Heto ang isa sa paulit-ulit na karanasan ng consumers o customers sa Duty Free Philippines diyan sa Sucat, Parañaque City. Pumila sila sa isang mahabang pila para pagdating sa ... Read More »

P500-M OFWs terminal fee & travel tax saan napunta?

HINAHANAP ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III kung saan napunta ang P500 mil­yones terminal fee at travel tax ng overseas Filipino workers (OFWs) mula noong 2015 na supposedly ay napunta sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Ito ‘yung halaga na dapat i-refund sa mga OFW. Kung indibiduwal na refund, siyempre maliit talaga ito. Pero dahil pinagsama-sama, hayan ... Read More »

Bagong DFA Secretary pinuri ang mga nagawa ni Cayetano sa DFA

Teddy Boy Locsin Alan Peter Cayetano DFA

MAS napahusay sa ilalim ng pamumuno ni Alan Peter Cayetano, ang pagpoproseso ng passport pati na rin ang serbisyo at tulong para sa overseas Filipino workers (OFWs) sa buong mundo. Ito ang pahayag kamakailan sa social media ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinuri ang mga ipinatupad na reporma ni Cayetano sa panahon ng kanyang panunungkulan ... Read More »

6 working days para sa proseso at issuance ng passport ibinida ng DFA

KOMPIYANSANG ibinida ni Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano na anim na araw na lang ang proseso at issuance ng passport matapos makompleto ang requirements at maipasok sa Consular Office ang aplikasyon. At ‘yan umano ay magsisimula, ngayong araw mismo! Palakpakan po natin si Secretary Alan, mga suki! “We made a promise to the President and to our kababayan ... Read More »

US$12K tinapyas sa placement fee (Sa Pinoy caregivers sa Israel)

JERUSALEM – Mabu­bunutan ng tinik ang mga Filipino caregiver na nais magtrabaho sa Israel matapos lagdaan kamakalawa ang kasun­duan para mabawasan ng US$12,000 ang bina­bayarang placement fee. Lubos ang naging pasa­salamat ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kay Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kanilang makataong pagtrato sa halos 28,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang bansa. Ayon kay Pangulong Duterte, hindi ... Read More »

‘Person of interest’ tukoy na ng Jeddah authorities

MAY natukoy nang “person of interest” ang mga awtoridad sa Jed­dah, Saudi Arabia kaug­nay sa pagkamatay ng isang Filipina na nakita ang bangkay sa isang hotel. Ayon sa ulat, natu­koy ang “person of interest” sa tulong uma­no ng mga nakalap na CCTV footage. Hindi muna iniha­yag ang pangalan ng naturang “person of interest” na hindi uma­no Filipino. Bago nakita ang ... Read More »

MIAA officials huwag sisihin

READ: Memo ng PCOO babala sa mga aksiyong pasaway ng kanilang mga opisyal LIBO-LIBONG pasahero ang na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagkabalaho ng Xiamen Air nitong nakaraang Biyernes sa runway ng nasabing paliparan. Dahil nakabalaho sa runway, natural maraming eroplano ang hindi nakaalis at nakansela ang flights. Habang ang mga dumarating naman ay sa Clark International ... Read More »

OFW natagpuang patay sa Saudi hotel

INIULAT na isang bangkay ng babaeng overseas Filipino worker (OFW) ang natagpuan sa loob ng isang hotel sa Saudi Arabia. Base sa ulat na ipina­dala sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa konsulada ng Filipinas sa Jeddah, ipinagbigay-alam ng isang concerned mem­ber ng Filipino Com­munity doon ang insiden­te. Hindi inihayag ng konsulada ang pangalan ng biktimang nasa 52-taon gulang. Ayon kay Consul ... Read More »

196 Pinoy namatay sa Kuwait (Mula 2016) — OWWA

UMABOT sa halos 200 Filipino ang namatay sa Kuwait mula noong 2016 dahil sa usaping medikal habang ang iba ay nagpasyang tapusin ang kanilang buhay. Sa talaan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), 155 ang namatay sa dahilang medikal, 14 ang binawian ng buhay dahil sa aksidente, 22 ang nagpakamatay , at lima ang hindi pa batid ang dahilan. Ibinahagi ... Read More »

2 months extension ng Kuwait sa amnesty program samantalahin (Payo ng DFA sa OFWs)

PINAYOHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Kuwait na samantalahin ang dalawang buwan extension na ibinigay para sa amnesty program ng gobyerno ng naturang bansa para makauwi sila sa Filipinas. Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, base sa ulat ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Vil­la, ang amnesty program ng Kuwait go­vernment para sa mga dayuhang nagtra­tra­baho sa kanilang bansa ay ... Read More »

Hanggang kailan ang OFW deployment ban sa Kuwait?

ISANG Administrative Order ang ipinalabas ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na nag-uutos na muling ipatupad ang “total ban” sa deployment ng overseas Filipino workers  (OFWs) sa Kuwait. Ito ay alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte matapos mabuyangyang ang sunod-sunod na reklamo tungkol sa naaabusong Pinay sa naturang bansa. Pinakahuli ang natagpuang Pinay ... Read More »

OFW sa freezer nalamog sa bugbog (Base sa awtopsiya)

NABATID sa resulta ng awtopsiya sa labi ni Joanna Demafelis, ang OFW na pinatay at isinilid sa freezer sa Kuwait, na may bali ang kaniyang tadyang at nagkaroon ng internal bleeding. Ayon kay Renato Pedro Villa, Philippine Ambassador sa Kuwait, base sa awtopsiya ng forensic doctor sa Kuwait, labis na pambubugbog ang dahilan ng pagkamatay ni Demafelis. Ang biktima aniya ... Read More »

INC leader itinalagang special envoy ni Duterte (Para sa OFWs)

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Eduardo Villanueva Manalo bilang Special Envoy of the Pre­sident for OFWs concerns. Epektibo ang kanyang appointment mula 30 Enero  2018 hanggang 29 Enero 29, 2019. Inaabangan ng publiko kung ang pagtatalaga kay Manalo bilang Special Envoy ng pangulo ay tatanggapin at babasbasan ng buong INC. Ayon sa isang political observer, tila may “impropriety” sa pagtanggap ni Manalo ... Read More »

Kahit kaluluwa isasanla ni Digong kay Satanas (Para sa OFWs)

HINDI mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbili ang kaluluwa sa demonyo upang masuportahan ang mga babalik na overseas Filipino workers (OFWs) na naranasan ang impiyerno sa kamay ng mga among Kuwaiti. Sa kanyang talumpati sa mass oath-taking ng mga bagong presidential appointees kahapon sa Palasyo, inihayag ng Pangulo na hindi kaya ng kanyang sikmura na hayaan lang na magpatuloy ... Read More »

Pinoy nurse, drivers wanted sa Czech Republic

PORMAL nang binuksan ng Czech Republic ang kanilang pintuan para mag-alok ng mga trabaho sa mga Filipino. Sinabi kamakailan ni Czech Ambassador to the Philippines Jaroslav Olsa, Jr., kailangan punan ng kanilang bansa ang pangangailangan sa mga manggagawa. Kabilang sa mga trabahong maaaring pasukin ng mga Filipino ay driver, manufacturing technician, warehouse manager, warehouse worker, forklift operator, baker, butcher, nurse, ... Read More »

China, Russia target ng DoLE (Para sa OFWs)

INIHAYAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Linggo, ikinokonsidera nila ang mga bansang maaaring paglipatan sa overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi mula sa Kuwait. “We are now in the process of looking alternative markets. One of them is China. And even Russia,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III. Tinatayang 800 undocumented OFWs sa Kuwait ang nakatakdang ... Read More »

OFWs bawal sa Kuwait

INIHAYAG ni Labor Secretary Silvestre Bello III, magpapalabas siya ng bagong order ngayong Lunes, hinggil sa pagpapatupad ng total deployment ban sa Filipino workers sa Kuwait. Sinabi ni Bello, inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng order hinggil sa total deployment ban, hiwalay sa nakaraang utos na pagsususpende sa proseso ng bagong employment certificates. “This time, what the ... Read More »

Goodbye MIASCOR

NAWINDANG daw ang kompanya ng MIASCOR matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang terminasyon ng kanilang serbisyo sa lahat ng paliparan sa buong Filipinas. Ang MIASCOR para sa kaalaman ng lahat ay nangangasiwa sa ground-handling services ng mga bagahe ng airlines sa lahat ng airports sa bansa. Kamakailan ay sumabit ang ilang empleyado nito sa Clark International Airport matapos magreklamo ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved