Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Tag Archives: National Food Authority

Tag Archives: National Food Authority

Feed Subscription

‘Idiotic structure’ ipinaaayos sa bagong NFA administrator (Sa tiyak na supply ng bigas sa buong bansa)

ITINALAGA ni Pangu­long Rodrigo Duterte si Philippine Army Com­manding General Rolando Bautista bilang bagong administrator ng National Food Authority (NFA) kapalit ni Jason Aquino na nagbitiw noong nakaraang linggo. “NFA ka na. Mabait ‘yan si Rolly,” anang Pangulo sa command conference sa kapitolyo ng Cagayan sa Tuguegarao City kahapon. Sinabi ni Pangulong Duterte, nais niyang ayusin ni Bautista ang ‘idiotic ... Read More »

Resignation ng NFA chief tinanggap ni Duterte

Jason Aquino NFA rice National Food Authority

TINANGGAP ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni National Food Authority (NFA) adminisitrator Jason Aquino. Sinabi ng Pangulo kahapon, naghahanap na siya ng ipapalit kay Aquino. “Jason Aquino has requested that he be relieved already…. I will scout [for] a new one,” ayon kay Duterte sa tete-a-tete kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo. Pagod na umano si Aquino na mga ... Read More »

8 rice warehouses sa Bulacan ininspeksiyon

Manny Piñol Jason Aquino NFA rice

SORPRESANG ininspe­ksiyon nina Agriculture Secretary Emmanuel Piñol at National Food Authority Administrator Jason Aquino ang walong NFA licensed grain warehouse sa Marilao, Bulacan. Ayon kay NFA-Bula­can Provincial Mana­ger Elvira Obana, kabil­ang sa mga ininspeksiyon ang Faerdig General Mercha­nd­ise, Lom Marketing, Paracao General Merc­handise, at Marilao Gene­ral Merchandise. Napag-alaman na pawang naglalaman ang mga bodega ng mga below normal rice stocks ... Read More »

‘Bukbok’ sa bigas pinalaki — Piñol

Manny Pinol DA Agriculture NFA rice

PINALAKI lang ang isyu ng bukbok sa inangkat na bigas, ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol kahapon. Sinabi ito ni Piñol habang igi-n­i­giit na ligtas kainin ang inangkat na bigas na pineste ng bukbok. “Itong issue ng bukbok, pinapalaki lang e. Ano bang problema natin sa bukbok?” pahayag ni Piñol. Nauna rito, sinabi ni Piñol na hindi makasasama sa ... Read More »

Solon nanawagan: NFA chief resign

Jason Aquino NFA rice National Food Authority

PINAGBIBITIW kahapon ni  House Appropriations Committee chair Rep. Karlo Nograles ang National Food Authority (NFA) administrator na si Jason Aquino kung hindi niya magagawan ng ak­siyon ang pagtaas ng presyo at pagkukulang ng bigas sa merkado. Nakababahala, ani Nograles, “ang sitwasyon ng rice supply sa bansa pagkatapos nitong ikutin ang ilang mga palengke sa Cagayan de Oro City. Kinagat ni Nograles ... Read More »

Ahensiya ng bigas mabubuwag

MALAPIT nang mabu­wag ang National Food Authority (NFA) kapag naaprobahan ang batas na magpapahintulot sa pribadong sektor na mag-angkat ng bigas upang lumaki ang supply sa bansa. “Well, ito naman po ang direksiyon na tina­tahak natin, dahil iyong panukalang batas na tariffication po [ay naipasa], mawawalan po talaga ng saysay na ang NFA,” ayon kay Pre­sidential Spokesman Harry Roque kahapon, ... Read More »

P125-M smuggled rice nasabat ng Customs

NASABAT ng mga ahente ng Bureau of Customs (BoC) ang P125 milyong halaga ng smuggled rice sa Manila International Container Port (MICP) nitong Lunes. Ang 50,000 sako ng bigas ay mula sa Thailand at iprinoseso ng customs broker na si Diosdado Santiago. Dumating ito sa bansa noong 14 Hunyo nang walang kaukulang import permit mula sa National Food Authority (NFA), ... Read More »

No rice shortage — DA

NANINDIGAN ang Department of Agriculture (DA) na walang rice shortage sa Filipinas sa kabila ng isyu nang bumabang stock ng National Food Authority (NFA). Ayon kay DA Sec. Manny Piñol, 96 percent rice sufficient ang ating bansa ngayon. Ang problema umano ay madalang ang pasok ng bigas na ibinibenta sa NFA ng local farmers. Kaya hinimok ni Sen. Nancy Binay ... Read More »

Economic sabotage vs rice cartel banta ni Evasco (Kung hoardings)

NAGBABALA ang NFA Council sa mga pribadong negosyante na maaari silang maharap sa kasong economic sabotage sa pagtatago ng bigas. Sa ipinatawag na press briefing  sa Malacañang ni Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco, sinabi niyang may hinala silang nagkaroon ng “hoarding” o pagtatago ng bigas sa malalaking bodega ng mga pribadong rice trader. “Can you sleep at night when a ... Read More »

Presyo ng palay bagsak ngayong anihan (Magsasaka nangamba)

UMALMA ang mga magsasaka sa parating na bigas na inangkat ng National Food Authority (NFA) dahil sasabay ito sa panahon ng anihan. Nakatakdang dumating sa susunod na buwan ang 250,000 metriko toneladang bigas na inangkat ng NFA, habang higit 3.5 milyong metriko tone­ladang palay ang inaasahang aanihin ng mga magsasaka. Dahil dito, pinangangambahan ng local farmers na babagsak ang presyo ... Read More »

Rice shortage genuine o artipisyal (‘Drama’ bubusisiin ni Evasco)

BUBUSISIIN ni Cabinet Secretary at National Food Authority (NFA) Council chairman Leoncio ‘Jun” Evasco kung drama lang ang nararanasang shortage ng NFA rice sa pamilihan sa nakalipas na dalawang linggo. Sinabi ni Evasco sa phone patch interview kahapon, aalamin ng konseho kung drama lang ang NFA rice shortage upang aprobahan ang panukalang mag-angkat ng bigas. Karaniwan aniyang nakatatanggap ng rekomendasyon ... Read More »

Kawalan ng NFA rice sinasamantala ng private traders

MALAKING isyu ngayon ang kawalan ng sapat na stock na bigas ng National Food Authority (NFA). Una kasing tinatamaan nito ang maliliit nating mga kababayan na bumibili ng tinging bigas o ‘yung isa o dalawang kilo isang araw. Dahil hindi nila kayang bumili ng bigas para sa buong isang linggong konsumo, napipilitan silang bumili sa mga komersiyalisadong bigas gaya ng ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved