Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Tag Archives: kamara

Tag Archives: kamara

Feed Subscription

Kapag nakaplakang otso dapat bang abusado?

KASING bagsik siguro ng pulbura ang ‘tama’ ng plakang otso kaya ang mga nagkakaroon nito ay tumatapang. Kasabihan ng mga abuelo at tatay noong araw, kapag dudungo-dungo ang anak na lalaki paamuyin daw ng pulbura o kaya ay pakagatin sa talim ng kutsilyo o gulok, tiyak raw na liliyad ang dibdib. Ganyan din kaya ang epekto ng plakang otso? Hindi ... Read More »

Road rager na naka-“8” FJ Cruiser tugisin — Andaya (PNP, LTO dapat kumilos)

DAPAT kumilos ang Philippine National Police (PNP) at ang Land Transportation Office (LTO) para hanapin kung sino ang sangkot sa insidente ng road rage, imbuwelto ang isang FJ Cruiser na may plakang “8.” Ayon kay House majority leader Rolando Andaya III maraming mga kongresista ang nanawagan sa liderato ng Kamara na hanapin kung sino ang taong sangkot dito. “There are ... Read More »

Cha-cha ng kamara maipilit kahit pilipit

IBANG klase rin talaga ang mga mam­bu­butas ‘este  mambabatas sa Kamara. Talagang maipilit kahit na pilipit ang kanilang bersiyon ng Charter change?! Anong prinsipyo kaya ang pinagbasehan nila para maisipan na maetsa-puwera ang bise presidente sa rule of succession kung sakaling maindulto ang presidente ng bansa?! Ang puwede lang daw pumalit sa presidente ay ang senate president… Hik hik hik… ... Read More »

‘Gluta’ rep inireklamo (Sa Kamara ‘nagpapalit ng kulay’)

Hataw Frontpage Gluta rep inireklamo (Sa Kamara nagpapalit ng kulay)

UMANI ng batikos at matinding kritisismo mula sa concerned citizens at netizens ang isang representante ng isang party-list dahil sa nabuking na ‘gluta session’ sa mismong opisina niya sa Batasang Pambansa. Sa isang pormal na reklamo na inihain sa House Ethics Committee ng grupong Pinoy Aksyon for Governance and Environment o PAGE, sinabi nito na ang Gluta session na ginawa ... Read More »

Nat’l budget bubusisiin bago ipasa — Nograles

BUBUSISIN ang panu­kalang P3.7 trilyong bud­get para sa taong 2019 bago ipasa sa pangatlo at huling pagdinig. Ayon kay Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, pinuno ng Committee on Appropriations,  magdo-double time ang Kamara sa pagbusisi sa budget para maipasa ito bago mag-adjourn sa Oktubre. Anang mambabatas, medyo nahuli sila sa pag-uumpisa sa pagdinig ng budget pero gagawan nila ito ... Read More »

Budget insertion uso pa pala ‘yan?!

PAGKATAPOS ang balitang tangkang pagpapatalsik kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Kamara, pumutok din ang isyu ng budget insertion na umaabot sa P50 bilyones. Dahil wala nang ‘pork barrel’ ang mga mambabatas, may henyo yatang nakaisip na ipasok ito sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) pero piling-pili at iilan lang ang makakukuha. Pero dahil nasilip ... Read More »

Rigodon sa Kamara kinopo ng GMA allies

ALIADOS ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ngayon ay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang ipinuwesto sa magagandang puwesto sa Kamara. Sa mosyon ni House Majority Leader at Cama­rines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., itinalaga si Surigao del Sur Rep. Rolando Andaya Jr. at Bohol Rep. Arthur Yap bilang deputy speakers, kapalit ni Marikina City Rep. Miro Quimbo at Cebu Rep. ... Read More »

‘Deadlock’ sa cash-based hahantong sa reenacted 2019 national budget

KUNG hindi magkaka­sundo at humantong sa deadlock ang Kamara at ang Department of Budget and Management (DBM) sa paggamit ng pondo ng gobyerno na tinaguriang “cash-based” budgeting, maaaring magresulta ito ng reenacted budget sa 2019. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman patungo na sa “impasse” ang DBM at Kamara sa is­yung ito. Ani Lagman, ang mga miyembro ng Kama­r­a ay ... Read More »

Rep. Suarez patunayang tunay na lider ng minorya

HINAMON ni Majority Leader Rolando Andaya Jr., si Minority Leader Danilo Suarez na patu­nayan ang kanyang pagka-minority leader. Ani Andaya, ang pa­mu­muno sa minorya ay hindi sa pangalan lamang. Si Suarez aniya ang bahalang magpa­sinu­ngaling sa mga nagdu­duda sa kanya. “Minority leadership is not just a matter of title, but of work, something that must be affirmed on the floor ... Read More »

‘Pork release’ ni Suarez inilabas ng Kamara

READ: No zero budget tiniyak ni GMA: Lacson ‘nakaamoy’ ng ‘pork’ NAGULAT ang mga reporter sa Kamara kaha­pon nang maglabas ang Press and Public Affairs Bureau ng Kamara ng isang statement ng mga lider ng minorya. Hindi pa umano ito nangyari sa mga nakali­pas na Kongreso. “Unprecedented,” ang sabi ng isang reporter. Nangyari ang insidente kahapon sa gitna ng kontrobersiya ... Read More »

Mahabang suwerte ni Suarez

READ: Ang Bible ni Pacman HINDI lang si dating PGMA, ngayon ay House Speaker GMA, ang mahaba ang suwerte, nadadamay din sa ‘magandang’ kapalaran ang kanyang long-time puppy ‘este ally na si Quezon Rep. Danilo Suarez. Mantakin n’yo, naging House Minority Leader pa?! Kahit bumoto siya para kay SGMA e naging minority leader pa siya?! Buenas to the max! ‘Yan ... Read More »

Suarez hinirang na minority leader

SA gitna ng batikos at protesta, hinirang ng Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang mino­rity leader si Rep. Danilo Suarez ng Quezon. Pinagbotohan ng ma­yor­ya sa plenaryo sa pamamagitan ng “ayes and nays” kung sino ang minority leader pagkata­pos ng ilang araw ng matinding debate kung karapat-dapat ba si Sua­rez na maging mino­rity leader sa kabila ng pag­suporta sa kudeta ni ... Read More »

Imbestigasyon ng Senado sa Dengvaxia itigil na

dengue vaccine Dengvaxia money

ANG Senado o ang Kamara, tuwing may ginagawang “investigation in aid of legislation” parang laging nagpapatawa. Parang kanta ng Yano, “Santong Kabayo, Banal na Aso, natatawa ako, hihihihihi.” Nakatatawa na lang naman talaga. Kasi paulit-ulit lang ang kanilang ginagawa pero sa huli wala namang nangyayari. Ang ipinagtataka naman natin kay Madam PAO chief, Atty. Persida Rueda-Acosta, kung mayroon siyang dokumento ... Read More »

Security of tenure bill aprobado sa Kamara (Kinontra ng Makabayan Bloc)

INAPRUBAHAN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong Lunes sa ikatlong pagbasa ang panukalang magtatapos sa “end labor only contracting, o “endo.” Ang House Bill 6908 o Security of Tenure Bill, ay tumanggap ng suporta ng 199 congressmen, habang pitong solon ang nagbasura sa panukala. Ang lahat ng pitong no votes ay mula sa Makabayan bloc. Sinabi ni Gabriela Rep. Arlene ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved