Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Tag Archives: Erich Gonzales

Tag Archives: Erich Gonzales

Feed Subscription

Sinuob ng papuri ni Cherry Pie Picache si Erich Gonzales!

READ: Sen. Antonio Trillanes, ginisa ang Tulfo siblings sa Senado SABI ni Cherry Pie Picache, once na makilala mo raw si Erich Gonzales, maninibago ka dahil ibang-iba siya sa image na kanyang ipino-project. Bukod sa napakabait raw nito, she’s very appreciative and prayerful as well. Honestly, nami-misinterpret lang daw ng iba ang ugali niya. “When you get to know her, ... Read More »

Erich, sumablay na naman ang lovelife

erich gonzales

BALITANG sablay na naman ang lovelife ni Erich Gonzales dahil sa umano’y paghihiwalay nila ng kanyang negosyanteng nobyo. In recent past, tila hindi rin kakampi ni Erich ang tadhana dahil sa sunod-sunod na failed relationships niya. Ang tsismis, ang pamilya mismo ng kanyang mga nakakarelasyon ang hindi boto sa kanya. Kaya ang nakaiintrigang tanong: what’s wrong with Erich? Kung panlabas na anyo ang ... Read More »

The Significant Other, hataw sa takilya!

The Significant Other Lovi Poe Tom Rodriguez Erich Gonzales

HINDI binigo ng mga manonood sina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Erich Gonzales dahil sa unang araw ng movie nilang The Significant Other, nag-gross ito ng P4.3-M. Masayang-masaya ang produksiyon ng CineKo dahil sa lakas ng suporta ng fans ng tatlo, kasama na ang mga naengganyo ng social media at mga kaibigan sa entertainment media para sa tinatawag ngayong  ”millennial triangle.” Super sexy ang pelikula na nabigyan ... Read More »

Cineko Productions, patuloy pa ring magpo-prodyus ng pelikula

ILANG pelikula na rin ang nagawa ng Cineko Productions. Ikatlo na yata itong ipinalalabas ngayong The Significant Other na pinag-uusapan dahil sa husay ng mga bidang sina Lovie Poe, Erich Gonzales, at Tom Rodriguez. Pati na ang direksiyon ni Joel Lamangan at shots ng DOP (director of Photography) na si Rain Yamzon II. Pero kabado pa rin ang isa sa producers nito na si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan. Nang makausap ... Read More »

Lovi, Tom at Erich, magagaling sa TSO

The Significant Other Lovi Poe Tom Rodriguez Erich Gonzales

IISA ang narinig naming komento ng mga nakapanood ng pelikulang The Significant Other mula sa Cineko Productions na distributed ng Star Cinema, idinirehe ni Joel Lamangan, ”ang galing nina Lovi (Poe), Tom (Rodriguez), at Erich (Gonzales). Ang gaganda ng mga dialogo nila.” Oo nga, naalala namin ang mga pelikula noong araw na gawa ng Viva Films, Regal Films, at Star Cinema at iba pang film outfit na pawang nagmamarka ang mga ... Read More »

Erich, ‘di napigil ang pag-iyak

erich Gonzales cry the blood sisters

HINDI napigil ni Erich Gonzales ang maiyak sa ibinigay na Thanksgiving mediacon para sa kasalukuyan niyang teleserye, ang The Blood Sisters dahil sa pagka-hook at agad tinutukan ng televiewers ang kuwento ng triplets. Sa pagsisimula ng The Blood Sisters, agad itong nagtala ng national TV rating na 25.2%, ayon sa datos ng Kantar Media, kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ng aktres. “‘Wow! Hindi ko po alam ang sasabihin ... Read More »

The Significant Other, tinutukan ni Mayor Roque

Enrico Roque The Significant Other Lovi Poe Tom Rodriguez Erich Gonzales

HALOS lahat ay binati si Mayor Enrico Roque dahil sa ganda ng The Significant Other na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Erich Gonzales sa isinagawang premiere noong Martes ng gabi sa Trinoma Cinema. Masayang-masaya si Mayor Roque, isa sa producer ng Cineko Productions, dahil naging maganda ang outcome ng sobrang pagod, pagtutok sa production, at pagpupuyat para matapos ang pelikula. Sa sandaling pakikipaghuntahan namin sa mayor ng Pandi, ... Read More »

Sikreto sa portrayal ng tatlong karakter sa “The Blood Sisters” ibinunyag ni Erich Gonzales

Erich Gonzales The Blood Sisters

SA panayam ng mga friend naming sina Reggee Bonoan at Ms. Maricris Nicasio (Entertainment Ed ng pahayagang ito) sa TV and radio host/ comedian/talent manager na si Ogie Diaz, na parte ng bagong top-rating na teleseryeng “The Blood Sisters” na pinagbibidahan ni Erich Gonzales, ibinuko ni Mama O, ang sikreto ni Erich sa portrayal niya ng tatlong karakter. Magkakapatid na ... Read More »

The Blood Sisters, pasabog agad ang pilot week

Erich Gonzales The Blood Sisters

ANYWAY, may regular show naman ngayon si Ogie, ang The Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales. At dahil pasabog kaagad ang pilot week ng TBS sa ratings game ay nagbigay ng blow out ang head ng Dreamscape Entertainment na si Deo T. Endrinal nitong Biyernes ng gabi na sinabay na rin sa selebrasyon ng Chinese New Year. Inabangan na kaagad ang kuwento ng The Blood Sisters sa unang linggo dahil ... Read More »

Ogie Diaz, bilib sa galing ni Erich Gonzales sa The Blood Sisters

Ogie Diaz Erich Gonzales The Blood Sisters

MASAYA ang talented na Kapamilya actor na si Ogie Diaz dahil sa magandang pagtanggap ng manonood sa teleserye nilang The Blood Sisters na tinatampukan nina Erich Gonzales, Enchong Dee, Ejay Falcon, at iba pa. “Actually may celebration kami, may abang na kasi ‘yung show, marami na agad sumusubaybay. Kahit ako na-feel ko iyon e, importante iyong mataaas agad ang rating ... Read More »

Erich at Lovi, nagkapikunan

ANG dami-daming running joke ngayon ng mga katoto sa tuwing may presscon dahil ginagaya nila ang mga dayalog sa mga pelikula tulad ng Meet Me In St. Gallen na, ”You don’t break hearts on Christmas, bawal ‘yun!”ito ang sinabi ni Carlo Aquino kay Bela Padilla. Sa The Significant Other naman ay may dayalog na, ”Huwag mong bigyan ng katwiran ang kalandian mo!”sabi ni Lovi Poe kay Erich Gonzales. Wala namang sinabihan pa ... Read More »

Erich Gonzales biggest break sa primetime ang “The Blood Sisters”

NAPAKA in-demand ni Erich Gonzales ngayong 2018 at biggest break para sa magandang actress ang “The Blood Sisters,” na magsisimula ng umere ngayong araw sa ABS-CBN2 kapalit ng timeslot ng Wildflower ni Maja Salvador na nag-end na last Friday. Para kay Erich, malaking karangalan at challenge na ipinagkatiwala sa kanya ng Dreamscape ang soap na tatlong karakter ang gagampanan o ... Read More »

Promo ng Lovi-Erich movie, tinitipid?

NAKUKULANGAN kami kung paano dapat sana’y bugbog sa promo ng Lovi Poe-Erich Gonzales movie. Ewan kung “austerity program” ang ina-adopt ng production outfit nito—a virtual minor industry player—na dapat sana’y maugong na nagpapakilala. May pagka-selective kasi ang pag-iimbita sa press kahit na ng mga nagdaang pa-presscon ng mga pelikulang ipinrodyus nito. Ang maiden offering nilang Vhong Navarro starrer, na nabalitang ... Read More »

Erich, nahirapang umungol pero sarap na sarap sa eksena!

NAHIRAPAN nga ba o sadyang nasarapan lang si Erich Gonzales sa maiinit na eksena nila ni Tom Rodriguez sa The Significant Other ng CineKo Productions? Sa nalalapit na showing nga ng movie ay naglalabasan ang mga retrato at ilang stills ng very sexy and intimate scenes ng mga bida sa movie. At sa likod ng mga tsikang ito, ang balitang ... Read More »

The Blood Sisters, tiyak na aariba

MUKHANG aariba naman si Erich Gonzales sa kanyang bagong teleseryeng The Blood Sisters na mapapanood na simula ngayong February 12 sa Kapamilya Network. Eversince, I truly love Erich dahil hindi lang maganda ang aktres kundi magaling siyang umarte. Naniniwala ako sa kanyang kakayahan mula pa noon not because pareho kaming Bisaya kundi kapag sinabi mong Erich, magaling ‘yan. Tatlong karakter ang gagampanan ni Erich sa serye na sigurado akong medyo mabigat ang ... Read More »

Lovi, sinampolan ng pagiging Best Actress si Erich

PAANO kaya mag-re-react ang fans at supporters ni Erich Gonzales kapag napanood ang sinasabing mga eksenang nagpaka-aktres ultimo ang mga daliri at mga kamay at likod ni Lovi sa The Significant Other? Sa santambak na mga “very juicy, meaty, romantic and orgasmic combined as one scenes” nina Lovi at Tom Rodriguez sa pelikula, madadala at mapapahiyaw ka sa excitement na ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved