Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Tag Archives: bigas

Tag Archives: bigas

Feed Subscription

P25 wage hike kapos sa kilong NFA rice (Umento sa mininum wage aprobado )

P25 wage hike kapos sa kilong NFA rice (Umento sa mininum wage aprobado )

 INAPROBAHAN ng wage board sa National Capital Region ang P25 dag­dag sa sahod para sa mga kumik­ita ng minimum wage, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nitong Lunes. Sa bisa ng Wage Order No. NCR-22, na inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR, magiging P500 hanggang P537 na ang halaga ng minimum wage sa iba’t ibang sektor sa ... Read More »

Sapat na rice supply tiniyak sa publiko

MAKATITIYAK ang mga Filipino na mananatiling sa­pat ang supply ng bigas sa susunod na mga araw bilang resulta ng ipatutupad na polisiya ng gobyerno hinggil sa pang-aangkat ng bigas, ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez kahapon. “Malinaw ang polisiya ng ating pamahalaan lalo ang bilin ni Presidente [Rodrigo] Duterte talaga, punuin ninyo ng stock ‘yan,” paha­yag ni Lopez, ... Read More »

Piñol ibinuking ni Dominguez (Rice smugglers pinaboran?)

NAKAAMBA ang palakol ni Pangu­long Rodrigo Duterte kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ito ang nabatid kahapon. Ayon sa isang source, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Finance Secretary Sonny Domi­nguez at Piñol sa cabinet meeting nitong 8 Oktubre sa Palasyo na humantong sa sigawan. Sa harap umano ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te at lahat ng miyembro ng gabinete ay ibinisto umano ... Read More »

23,000 sakong bigas naglahong tila bula Duterte nagalit (Sa Zamboanga)

GALIT si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag­ka­wala ng mahigit sa 23,000 sako ng bigas na una nang nakompiska ng Bureau of Customs sa Zamboanga port. Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Pre­sidential Spokesman Harry Roque, desma­yado ang Pangulo sa insidente na pina­nini­walaan nilang may sab­watan ang BoC at ang National Food Authority (NFA). Sinabi ni Roque, agad silang nakipag-ugnayan ... Read More »

Jason Aquino wala na sa NFA (Palasyo sinopla si Piñol)

Manny Piñol Jason Aquino NFA rice

WALA na ni katiting na papel sa National Food Authority (NFA) at NFA Council si Jason Aquino taliwas sa paha­yag ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na hanggang Oktu­bre pa siya mananatiling NFA administrator. Sa Palace press briefing kahapon, sinabi ni Presidential Spokes­man Harry Roque, ini­linaw ni Special As­sistant to the President Christopher “Bong” Go na hindi na konektado si Aquino ... Read More »

Ex-NFA chief sinisi sa bumagsak na trust rating ng pangulo

Jason Aquino NFA rice National Food Authority

SINISI si dating Natio­nal Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino at sina­bing utak sa krisis sa bigas na dinaranas ng bansa na nagresulta sa paglobo ng inflation at naging dahilan ng pag­bagsak ng trust at approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa pag­bagsak ng trust at approval rating ni Pa­ngulong ... Read More »

Ex-NFA chief isaswak sa hoyo ni Roque

Hataw Frontpage Ex-NFA chief isaswak sa hoyo ni Roque

NAKAHANDA si Presidential Spoke­s­man Harry Roque na tam­ba­kan ng kaso si dating National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino para mabulok siya sa kulu­ngan. Inihayag ni Roque, hindi lang kasong tech­nical malversation kundi graft and corruption ang nais niyang ihaing asunto kay Aquino dahil sa idinulot na pinsala sa publiko maging sa go­byerno. Paliwanag ni Roque, hindi ginastos ni Aquino ... Read More »

‘Idiotic structure’ ipinaaayos sa bagong NFA administrator (Sa tiyak na supply ng bigas sa buong bansa)

ITINALAGA ni Pangu­long Rodrigo Duterte si Philippine Army Com­manding General Rolando Bautista bilang bagong administrator ng National Food Authority (NFA) kapalit ni Jason Aquino na nagbitiw noong nakaraang linggo. “NFA ka na. Mabait ‘yan si Rolly,” anang Pangulo sa command conference sa kapitolyo ng Cagayan sa Tuguegarao City kahapon. Sinabi ni Pangulong Duterte, nais niyang ayusin ni Bautista ang ‘idiotic ... Read More »

Resignation ng NFA chief tinanggap ni Duterte

Jason Aquino NFA rice National Food Authority

TINANGGAP ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni National Food Authority (NFA) adminisitrator Jason Aquino. Sinabi ng Pangulo kahapon, naghahanap na siya ng ipapalit kay Aquino. “Jason Aquino has requested that he be relieved already…. I will scout [for] a new one,” ayon kay Duterte sa tete-a-tete kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo. Pagod na umano si Aquino na mga ... Read More »

8 rice warehouses sa Bulacan ininspeksiyon

Manny Piñol Jason Aquino NFA rice

SORPRESANG ininspe­ksiyon nina Agriculture Secretary Emmanuel Piñol at National Food Authority Administrator Jason Aquino ang walong NFA licensed grain warehouse sa Marilao, Bulacan. Ayon kay NFA-Bula­can Provincial Mana­ger Elvira Obana, kabil­ang sa mga ininspeksiyon ang Faerdig General Mercha­nd­ise, Lom Marketing, Paracao General Merc­handise, at Marilao Gene­ral Merchandise. Napag-alaman na pawang naglalaman ang mga bodega ng mga below normal rice stocks ... Read More »

Utos ni Duterte sa DILG: Bodega ng rice hoarders salakayin!

JERUSALEM – Pagsalakay sa mga bodega ng bigas ng  pinaniniwalaang rice hoarders ang nakikitang solu­syon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matuldukan ang kapos na supply ng bigas sa bansa. Sa mini-cabinet mee­ting na ginanap sa eropla­no habang patungo sa Israel si Pangulong Duter­te at kanyang opis­yal na delegasyon, inu­tusan niya si DILG Secretary Edu­ardo Año na pangunahan ang pag­salakay sa ... Read More »

‘Bukbok’ sa bigas pinalaki — Piñol

Manny Pinol DA Agriculture NFA rice

PINALAKI lang ang isyu ng bukbok sa inangkat na bigas, ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol kahapon. Sinabi ito ni Piñol habang igi-n­i­giit na ligtas kainin ang inangkat na bigas na pineste ng bukbok. “Itong issue ng bukbok, pinapalaki lang e. Ano bang problema natin sa bukbok?” pahayag ni Piñol. Nauna rito, sinabi ni Piñol na hindi makasasama sa ... Read More »

Piñol pakainin ng bigas na may bukbok

PAKAKAININ ni House Minority Leader Danilo Suarez si Agriculture Secretary Manny Piñol ng bigas na may bukbok araw-araw para maram­daman niya ang mga sinabi niya na pwede pang kainin ang ganoong klaseng bigas. Ayon kay Suarez, “conduct unbecoming of a cabinet official” ang sinabi ni Piñol. “That [statements made by Piñol] is a conduct unbecoming of a Cabinet official. Kakain ... Read More »

Bigas, bigas nasaan na ang bigas?!

SIGNOS na ba para sa mga Filipino na ang isang bansang halos taguriang rice granary ay nagkakaproblema sa supply ng bigas sa kasalukuyan?! Isang nakatatakot na pangitain na baka isang umaga ay wala nang mabiling bigas ang masang Filipino — kaya kahit ang binubukbok na bigas ay pinag-aagawan. Kung umaangal ngayon sa walang tigil na pagtaas na presyo ng bigas, ... Read More »

NFA chief resign

Jason Aquino NFA rice National Food Authority

PINAGBIBITIW kahapon ni  House Appropriations Committee chair Rep. Karlo Nograles ang National Food Authority (NFA) administrator na si Jason Aquino kung hindi niya magagawan ng ak­siyon ang pagtaas ng presyo at pagkukulang ng bigas sa merkado. Nakababahala, ani Nograles, “ang sitwasyon ng rice supply sa bansa pagkatapos nitong ikutin ang ilang mga palengke sa Cagayan de Oro City. Kinagat ni Nograles ... Read More »

Ahensiya ng bigas mabubuwag

MALAPIT nang mabu­wag ang National Food Authority (NFA) kapag naaprobahan ang batas na magpapahintulot sa pribadong sektor na mag-angkat ng bigas upang lumaki ang supply sa bansa. “Well, ito naman po ang direksiyon na tina­tahak natin, dahil iyong panukalang batas na tariffication po [ay naipasa], mawawalan po talaga ng saysay na ang NFA,” ayon kay Pre­sidential Spokesman Harry Roque kahapon, ... Read More »

Kawalan ng NFA rice sinasamantala ng private traders

MALAKING isyu ngayon ang kawalan ng sapat na stock na bigas ng National Food Authority (NFA). Una kasing tinatamaan nito ang maliliit nating mga kababayan na bumibili ng tinging bigas o ‘yung isa o dalawang kilo isang araw. Dahil hindi nila kayang bumili ng bigas para sa buong isang linggong konsumo, napipilitan silang bumili sa mga komersiyalisadong bigas gaya ng ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved