Wednesday , April 24 2024

Switik na business tycoon tinabla ni Digong?

THE WHO ang isang business tycoon na hindi umubra ang pagiging suwitik kay incoming President Rodrigo Duterte?.

Ang sabi ng ating Hunyango, una raw sinuportahan nitong si Sir noong panahon ng kampanyahan ang isang matunog na matunog na pangalan ng isang presidentiable.

Ang daming pera raw ang iniambag ni Switik sa naturang kandidato para masigurong mananalo sa pagka-presidente ang kanyang manok at siyempre alam n’yo na kung anong kapalit.

Ang kaso nga, kamalas-malasan unti-unting bumaba sa survey ang tinayaan ni businessman  bago pa man dumating ang araw ng halalan habang pabango nang pabango si Duterte.

Ang nangyari pagdating ng botohan hindi umabot ang bilang ng kanyang bata sa bilang ni Digong in short olat! O talo ang sinuportahan ni Sir!

Aruy!

Bwar har har har har har har har!

Ang bulong ng Hunyango natin, bago pa man sumapit ang botohan, nakaramdam na raw si Sir na umeebang na ang bangkang kanyang sinasakyan kung kaya’t ninais niyang makasakay sa saranggola ni Pepe ‘ehek’ ni Digong.

Ang katunayan nga raw, biglang nag-offer ng P30 milyon si Switik ngunit, datapuwa’t, subalit, tinabla na siya ng kampo ni president-elect.

Wahahahahahahahaha!

Para kang ‘yong dating mayor ng Pampanga na baligtarin kaya muntik matodas ng kanyang kaibigang dating pulis!

Hak hak hak hak hak hak!

Kilalanin kung sino ang negosyanteng sa pula sa puti na ang laging gustong naka-angkla sa matataas na posisyon!

Wooooooooottttttttttttttttttttttttttt!

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *