Wednesday , May 8 2024

SMB kakalas na sa ABL

MALAKI ang posibilidad na hindi na sasali ang San Miguel Beer sa susunod na season ng ASEAN Basketball League na magsisimula sa Enero 2014.

Isang opisyal ng San Miguel Corporation na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nagsabing nais ng pangulo ng kompanya na si Ramon S. Ang na bigyang-pansin na lang ang tatlong koponan nito sa Philippine Basketball Association na Petron Blaze, San Mig Coffee at Barangay Ginebra San Miguel.

Bukod dito, wala na sa sports department ng SMC si Noli Eala na isa sa mga tumulong na makapasok ang Beermen sa ABL.

Nalaman din na ayaw ng SMC na tumagal sa ABL at bayaran ang 13 milyon bilang membership fee.

Nagkampeon ang Beermen sa ABL noong Hunyo nang winalis nila sa finals ang Indonesia Warriors.

Kung aalis ang SMB sa ABL ay wala nang koponang Pinoy ang matitira sa liga dahil naunang umatras ang Philippine Patriots na ang may-ari’y si Mikee Romero ay nasa PBA na bilang may-ari ng Globalport Batang Pier.

Balik-PBA na ang 2013 ABL MVP na si Asi Taulava na lalaro na para sa Air21 samantalang si Chris Banchero naman ay nagpalista sa rookie draft ng PBA D League.

Ang pag-atras ng SMB sa ABL ay ang dahilan kung bakit ayaw na itong sumali sa FIBA Asia Champions Cup na gagawin sa Amman, Jordan mula Setyembre 13 hanggang 21.

Hindi na rin sasali sa Champions Cup ang Gilas Pilipinas ni coach Chot Reyes dahil kapos na sila sa panahon, ayon sa team manager ng national team na si Butch Antonio.

Samantala, determinado ang Cafe France na kunin si Banchero bilang top pick sa rookie draft ng PBA D League sa Setyembre 19.

“After ng management meeting, ang no. 1 option namin is to draft Chris Banchero. So if na-draft na namin siya, we don’t plan to trade him,” wika ni Bakers coach Egay Macaraya. (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Reli De Leon Terry Capistrano Jasper Tanhueco PSA TOPS PATAFA

ICTSI-Ph Athletics Championships tatakbo na

TATAKBO na ang pinakahihintay na ICTSI-Philippine Athletics Championships ngayong Miyerkoles hanggang Linggo, 8-12 Mayo 2024 …

Tyrhone James Tabernilla Chess

NM Tyrhone James Tabernilla masisilayan sa Imus Open Rapid chess championship

IMUS, Cavite —- Ang pinakamainit na National Master (NM) ng Filipinas na si Tyrhone James …

Subic International Triathlon

Australian, S. Korean nanguna sa Subic International Triathlon tournament

SUBIC BAY, OLONGAPO CITY.– Nakopo  ng Australian na si Luke Bate ang Sprint men elite …

Philippine Canoe-Kayak and Dragon Boat Federation PCKDF

Kauna-unahan sa bansa  
INT’L CANOE FEDERATION DRAGON BOAT WORLD CHAMPIONSHIP GAGANAPIN SA PUERTO PRINCESA, PALAWAN

PANGMALAKASAN na ang agenda ng Philippine Canoe-Kayak and Dragon Boat Federation para sa ilalargang hosting …

Bea Bell PHILRACOM Aurelio Reli De Leon

Bea Bell tampok sa PHILRACOM

Manila — Tampok ang kabayong si Bea Bell sa pagtulak ng Philracom (Philippine Racing Commission) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *