Friday , April 26 2024

Si Mar, si Grace, si Duterte o si Chiz?

SUMASAKIT raw ang ulo ni PNoy kung sino ang iendorso sa pagkapresidente sa 2016.

Si DILG Sec. Mar Roxas raw ba o si Senador Grace Poe at alin kina Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Chiz Escudero ang para Bise Pre-sidente.

Sina Poe at Escudero ay hindi miyembro ng Liberal Party ni PNoy pero kasama sila sa Team PNoy noong 2010.

Pero ang talagang gusto raw mangyari ni PNoy ay Roxas-Poe tandem.

Sa Hulyo 27, sa huling SONA ni PNoy, inaasahan kung sino ang kanyang iendorso.

Pero, kung majority ng opisyal ng Liberal Party (LP) ang tatanungin, ang gusto nilang ma-ging standard bearer ay si Roxas dahil wala raw maipipintas sa karanasan o track records sa politika, malinis, pati na sa family at educational backgrounds.

At si Roxas ay nagpakumbaba na kay PNoy noong 2010. Siya ang matunog noon tatakbong presidente pero napakiusapang mag-VP na lang ni Noynoy dahil sa napakalakas na simpatiya  ng mamamayan nang pumanaw si dating Pangulo Cory Aquino, ang nanay ni PNoy at misis ng minarder na si dating Senador Ninoy Aquino.

Kinausap na ni PNoy sina Poe at Escudero. Sinabihan raw silang dapat isa lang ang tatakbo sa kanila at dapat ay manatili silang buo para maging tuloy-tuloy ang tuwid na daan at mapabilis ang pag-unlad ng Pilipinas.

Malakas ang kutob ko, Roxas-Poe ang iendorso ni PNoy para sa 2016. At sa 2022 ay Poe-Escudero na tulad ng sinabi ni Budget Sectetary Butch Abad na 20 years ang programa ng Liberal Party para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng bansa. Sana nga…

Parang legal na ang “VK” at “fruit game” sa Intramuros, Manila

– Report ko po… parang legal na kasi ang VK (video karera) at fruit game dito sa amin sa Intramuros, Manila. Kahit sa ibang barangay o lugar hinahayaan nalang ng mga pulis. Kasi may lagay yata sa kanila iyon. Sana maaksiyunan ng  DILG ito kasi perwisyo po sa mga kabataan e. – 09234866…

Unang dapat sisihin sa paglaganap ng makina ng VK o fruit games sa isang barangay ang inyong tserman. Kung ayaw ng tserman n’yo nang ganyang sugal, hindi makapupuwesto sa barangay n’yo ang mga pesteng makinang ‘yan. May lagay ‘yan sa Tserman n’yo!

Bakit gusto ni VP Binay  ng Cha-cha?

– Bakit gusto ni VP Binay ang Cha-cha? Para alisin ang 6-year presidential term limit? Gusto ba niya na siya ay president-for life? Bakit ayaw rin niya ang Anti-Dynasty Bill? Dahil kaya ang nais niya ay lahat ng kaanib ng kanyang pamilya ay doon sa gobyerno tulad ngayon? -09279426…

May tama ang ating texter…

Eatery sa kalye ng Panday Pira at Velasquez, Tondo

– Mr. Venancio, reklamo ko lang po yun kainan dito sa kanto ng Velasquez at Panday Pira. Halos sakop na po yun kalsada. Wala na po madaanan lalo na po pag emergency. Sinakop na po ng mga lamesa nya yun kalsada. Dati po kagawad yun may-ari nito. Sakop po ito ni Chairman Alvin Matilla ng Brgy. 81. Masyado na po kasi sakop ng eatery ang kalsada. Paano na po pag gabi. – Concerned citizen

Mabait at masipag ang tserman ng Brgy. 81. Surely mapapakiusapan niya ang may-ari ng eatery. At sana’y sumunod sa tama kung sino man ang may-ari.

Andaming drug pushers sa Rizal

– Report ko po ang napakarami nang drug pushers dito sa aming bayan ng Rizal lalo na dito sa Binangonan. Bakit hindi sila hinuhuli? Balita po kasing mga pulis din ang nagpapabenta ng droga rito. Dapat po PDEA ang manghuli rito. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *