Friday , April 19 2024
Ginger Conejero Cheryl Favila Gretchen Fullido Maricar Asprec
Ginger Conejero Cheryl Favila Gretchen Fullido Maricar Asprec

Sexual harassment, namamayani rin sa showbiz

TILA nabuksan ang isang “can of worms” nang magsampa ng demanda si Gretchen Fullido laban sa producer ng TV Patrol na kinilalang si Cheryl Favila na kung tawagin nila ay si “Chair” at sa segment producer na si Maricar Asprec. Sinasabing ang dalawang babae ay “may relasyon.”

Sinabi ni Fullido na ang ginagawa sa kanyang sexual harassment ay may tatlong taon na niyang tinitiis, hanggang sa magsampa na nga siya ng reklamo sa management ng ABS-CBN. Nag-imbestiga naman ang kompanya. Hindi nila ipinilit ang bintang na sexual harassment, ngunit sinabi nilang nagkamali nga si Favila sa kanyang ginawa. Umalis na si Favila sa TV Patrol dahil sa “health reasons.” Pero ngayon may nagsasabing napilitan siyang umalis bilang producer ng programa dahil sa kinalabasan ng imbestigasyon ng ABS-CBN.

Hindi lamang daw iyon pagpaparinig, umano hinihingan ni Favila ng isang sex video si Fullido, kaya talagang nagsampa na siya ng kaso.

Sa panig naman nina Favila at Asprec, sinabi ng kanilang abogado na walang matibay na batayan ang demanda ni Fullido at sinabi niyang iyon ay panggigipit sa LGBTQ. Nanawagan pa siya sa mga bakla at tomboy na suportahan sina Favila at Asprec, dahil sinabi nga niyang iyan ay isang panggigipit sa mga taong may naiibang sexual preference.

Nasa Korte na iyan, hayaan nating ang korte ang magdesisyon. Huwag nating pangunahan ang hukuman. Ang ABS-CBN naman ay walang pakialam. Bagama’t nangyari iyon sa loob ng kanilang network, wala silang pananagutang legal sa mga pangyayaring iyan.

Pero ang masakit, dahil sa lumabas na iyan, may mga tao ngayong nagsasabing dapat na magkaroon nang mas malawak na imbestigasyon. Nangyari iyan sa news, hindi imposibleng may ganyan din sa entertainment. Nagreklamo ang isang babae laban sa mga lesbiana. Hindi malayong mayroon ding mga lalaking may reklamo rin laban sa mga bakla, wala nga lang lakas ng loob.

May panahong nagdemanda rin ang singer na si Gerald Santos laban sa isang baklang nakasama niya noon sa GMA 7, pero nang tumagal nawala na rin ang kasong iyon. May panahon ding si Mike Tan ay nagreklamo laban sa isang director na nagtangkang humalay sa kanya sa taping ng isa nilang serye. Natanggal ang director sa serye, pero hanggang doon lang.

Siguro nga panahon na para tingnang mabuti kung hanggang saan ang nagaganap na sexual harassment sa showbiz, para masugpo na ang masamang gawang iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Darren Espanto Kyline Alcantara

Darren at Kyline isang taong naging mag-GF-BF

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Darren Espanto na naging girlfriend niya ang si Kyline …

Bong Revilla, Jr

Sen. Bong naospital nagkaproblema sa sakong

REALITY BITESni Dominic Rea KASALUKUYANG nasa isang ospital si Sen Bong Revilla Jr.. Iyon ang nakita …

Andres Muhlach

Andres Muhlach hindi pa nagkaka-GF since birth (Choosy kaya?)

HATAWANni Ed de Leon NO girlfriend since birth. Iyan ang deklarasyon ni Andres Muhlach tungkol sa kanyang …

Richard Gomez Stella Suarez Jr

Richard at Stella Suarez Jr magpinsan, hindi kambal o magkapatid

HATAWANni Ed de Leon MAY nabasa kaming isang kuwento tungkol naman sa dating sexy star …

Donny Pangilinan Kathryn Bernardo

Donny gusto rin daw manligaw kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon ANO na namang tsismis iyan? Noong una raw ay nagbalak din …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *