Wednesday , February 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Sen. Poe, tiyak nang number one sa midterm election
Sen. Poe, tiyak nang number one sa midterm election

Sen. Poe, tiyak nang number one sa midterm election

LIMANG buwan na lang, magkakaalaman na rin kung sino ang mangunguna sa pagkasenador. Sino sa palagay ninyo?
Kung ang bayan ang tatanungin, numero uno nilang isusulat sa balota ang tunay na nagtatrabaho para sa bayan at hindi para sa sarili. Bukod sa uunahin din nilang iboto ang kailanman ay hindi nasangkot sa korupsiyon.
Ang tanong, mayroon pa bang ganitong uri ng kandidato lalo sa mga re-electionist?
Kung pagbabasehan ang iba’t ibang naglabasang survey ngayon para sa nalalapit na midterm election, kitang-kita kung sino ang magiging number 1.
Dahil laging nangunguna si Sen. Grace Poe sa survey, tiyak ang mambabatas ang magiging No. 1.
Bakit?
Sa limang naglabasan survey kamakailan, pinakain ni Poe ng alikabok ang kanyang mga katunggali. Ibig sabihin, lagi siyang number 1.
Heto nga na naman e, sa pinakahuli – ang 2019 Pulso ng Pilipino Tracking survey ng The Issues and Advocacy Center (The CENTER), si Poe uli ang nanguna sa  isinagawang survey nitong 4 Enero hanggang 8 Enero 2019.
“The non-commissioned survey was conducted from Jan. 04 to 08, 2019 with some 1,200 respondents  eligible to vote in the 2019 senatorial and local elections. The survey has a confidence level of 98% and a margin of error of + 3.5%,” ayon sa ulat ng The CENTER.
Ang resulta, nanguna na naman ang Senadora matapos umani ng iskor na 63%.  Kanyang inungusan si  Sen. Cynthia Villar na nakakuha ng  62% sa mga kumakandidatong senador.
Nakapagtataka pa ba ang resulta? Hindi na. Basta’t ikaw ay nagtanim ng kabutihan (para sa taongbayan), malamang sa malamang, kabutihan din ang ibabalik nila sa iyo. Kaya, si Poe ay laging nangunguna.
Matatandaan na si Poe ay nanguna rin sa pinakahuling resulta ng survey ng Pulse Asia Research Inc. kaugnay ng 2019 Elections Senatorial Preferences nitong 14-21 Disyembre 2018.
Bago ito, si Poe rin ang No. 1 sa mga survey ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong
12-18 Nobyembre 2018, Radio Mindanao Network (RMN) 2019 Election Survey nitong 7-17 Nobyembre 2018 at halos dikit kay Sen. Cynthia Villar sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) nitong 16-19 Disyembre 2018 kaya nakatitiyak si Poe na magiging topnotcher sa nalalapit na halalan sa 13 Mayo 2019.
Nasa ikatlong puwesto sa The Center survey si dating senador at Rep.  Pia Cayetano na may 55% at nanatili sa No. 4 spot si Sen. Nancy Binay sa taglay na 49%, No. 5 si Sen. Koko Pimentel sa natamong  44% samantala nagpantay sa ikaanim at ikapitong puwesto sina dating senador Lito Lapid at Jinggoy Estrada  sa 42% at 41%.
Nasa No. 8 spot si Sen. Sonny Angara (39%), No. 9 si Francis Tolentino (33%), nasa No. 10. si dating Philippine National Police chief Bato Dela Rosa  (29%), No. 11. Si dating senador Serge Osmeña  (27%), at pang-12 si dating Special Assistant to the President Bong Go,  (24%).
Para kay political strategist Perry Callanta ng Strategic Training, Organizing and Research Management (STORM) Consultants, malaki pa rin ang batak ni Fernando Poe Jr. (FPJ) sa kandidatura ni Poe lalo sa Visayas at Mindanao.
“May ‘FPJ Magic’ pa rin talaga kaya sigurado ako na magiging topnotcher si Sen. Poe sa nalalapit na eleksiyon,” diin ni Callanta. “Maganda rin ang mga nagawa ni Sen. Poe sa Senado tulad ng pagpapahaba ng validity ng ating mga  pasaporte at drivers’ license sa ten years.”
Marahil, dahil panay ang pagiging number 1 ni Sen. Poe sa mga survey, nais na sigurong baguhin ng kanyang mga katunggali ang kanilang estilo at gayahin si Poe na inuuna muna ang bayan kaysa sarili.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top