Thursday , April 25 2024

Sakit sa likuran ni lola nagdahilan lang sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,
Kumusta po kayo?
Hangad ko ang patuloy na pagpapala ng Panginoon sa pamamagitan ng paggamit sa inyo bilang instrumento ng kagalingan.
Ang aking lola ay 86 years old na. Hanggang ngayon ay malakas pa rin siya at matalas ang pag-iisip.
Pero kailan lang ay dumaing siya ng pananakit ng likuran doon sa bandang balakang. Niresetahan siya ng doctor ng pain reliever saka Vit. B complex. Sabi niya medyo naibsan daw ang pananakit. Pero kinaumagahan dumaing na naman siya ng pananakit.
Isang kamag-anak namin ang bumisita nang mabalitaang dumaraing ng pananakit si lola. Akala raw niya nadulas o nahulog.
May dala siyang Krystall herbal oil, iyon ang inihaplos nang inihaplos niya sa bandang likuran ni lola. Nakatulog si lola nang halos dalawang oras. Aba nang magising siya ay nakangiti at tila walang ano mang dinaramdam sa katawan.
Ang sabi ba naman e, “parang malakas na malakas na naman ako!” Lahat po kami ay nagulat sa mabilis na pagbabalik sigla ng katawan ni lola.
Kaya po sabay-sabay po kaming nagsimba bilang pasasalamat.
Maraming, maraming salamat po Sis Fely sa kabutihang idinudulot ng Krystall products sa kalusugan ng aming pamilya. Pagpalain po kayo ng Maykapal.
Nagpapasalamat,
ALYANAH SANCHEZ
Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa  telepono bilang (02) 853-09-17 o  852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

About Fely Guy Ong

Check Also

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *