Saturday , April 20 2024

Sa laki ng kinita Pacquiao pagdidiskitahan na naman ng BIR

00 Abot Sipat ArielHINDI na naman mapakali ngayon si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares lalo’t pumutok kahapon na nawasak ng welterweight megabout nina Floyd Mayweather Jr. ng United States at Manny Pacquiao ng Pilipinas ang lahat ng rekord sa professional boxing nang makakuha ng mahigit 4.4 milyong pay-per-view buys at kitang mahigit $500 mi-yon.

Sa ulat ni Kevin Iole ng Yahoo! Sports,  sinira ng sagupaan nina Mayweather at Pacquiao nitong Mayo 2, 2015 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada ang total pay-per-view buys kaya kinikilala ngayon ang “Fight of the Millenium” na highest-grossing pay-per-view of all time.

Nawasak ng Mayweather-Pacquiao bout ang dating rekord na 2.48 milyong PPV buys sa laban ng hambog na Amerikano sa kababayang si Oscar De La Hoya noong 2007 at halos na-triple ang rekord  na $150 milyon sa U.S. PPV revenue sa laban ni Mayweather kay Mexican Canelo Alvarez noong 2013. Maging ang live gate receipts sa MGM Grand Garden Arena ay kumita ng  $71 milyon na sinira ang $20 milyong rekord sa laban nina Mayweather at Alvarez.

Pero para sa kampo ni Mayweather, mas pinahalagahan ang social media na sanhi ng pagwasak sa lahat ng rekord sa kasaysayan ng boksing kaysa boksingerong si Pacquiao na nagsakripisyo ng buhay para lamang matuloy ang laban.

Sabi nga ni Mayweather Promotions CEO Leonard Ellerbe:  “The world is different now thanks to social media and the way you can market these events, Social media and the incredible amount of media coverage we had in the build-up to this fight played a huge role in all of this. My team always sets the bar high, and our goal was to break the previous record, and we just kept pushing the envelope. I can’t thank Floyd enough for making this all happen and it goes back to when he approached Manny in Miami (at a heat-Bucks game)  that put the icing on the cake.”

Tiyak na malaki ang babayaran ni Pacquiao sa US sa buwis pero kasabay nito, siguradong pupuntiryahin siya ng BIR na maniningil din sa kanyang kinita sa laban. Pero sana naman, maging makatwiran ang BIR at alalahaning nakataya ang buhay ng Pambansang Kamao sa huli nitong laban. Napakaraming business tycoon na nandadaya sa buwis kaya sana, sila naman ang makita ng singkit na mga mata ni Henares.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *