Friday , April 26 2024

Rhea Tan, saludo kay Boy Abunda

TODO ang pasasalamat ng Presidente & CEO ng Beautederm Corporation na si Ms. Rhea Ramos Anicoche Tan dahil nagdiriwang sila ngayon ng ika-siyam na anibersaryo.

Lalong dumarami ang puwesto ng Beautederm sa buong Pilipinas kasama ang Hongkong at Singapore.

Pati ang pamilya ng Beautederm ay lumalaki tulad nina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Carlo Aquino, Matt Evans, Alma Concepcion, Shyr Valdez, Rochelle Barrameda, Maricel Morales, Alex Castro, Jimwell Stevens, at Darla Sauler.

Sa mga politician naman ay nariyan sina Kate Coseteng, Migz Magsaysay, Vice Gov. Kaye Revil, Vice Mayor Donya Tesoro, at Janna Ejercito.

Bukod sa bonding ng Beautederm Family sa panood ng Rak of Aegis kamakailan, nakaharap din nila ang King of Talk na si Boy Abunda para sa BRATS (Boy R. Abunda Talks 2) na ginanap sa Seda Vertis North Hotel. Tungkol ito sa Mental Health Stories (Let’s talk about them openly and kindly).

Naroon din sina Jasmine Curtis, Bela Padilla, Kylie Versoza, Queenie Maravillas, at Nykko Bautista. Ito ay handog ng Make Your Nanay Proud.

Nag-sponsor ang Beautederm sa BRATS.

Tinanong namin si Ms. Rhea kung kumusta ang experience niya na makaharap si Kuya Boy sa ganitong event?

“Masaya. Meaningful talk about life and hope. Overcoming depression. I am very proud na nag-support ako sa advocacy ni Dr. Boy Abunda,” bulalas ni Ms. Rei.

“Rati ko na kasi siyang  naririnig sa mga convention na dinadaluhan ko. Ngayon lang talaga ‘yung malapitan. One of the reasons siya kaya ako na-inspire mag-Masscom. Idol ko siya bilang  speaker. Napakatalino.

“Now, mas lalo ko siyang in-admire. Sobrang down to earth po na tao. Kahit big star siya, hindi siya nagpaparamdam ng gap,” saludong pahayag pa ni Ms. Rhea.

Nakasama niya sa BRATS ang mga Beautedrerm ambassador niyang sina nina Vice Mayor Tesoro ng Tarlac, Maricel,Shyr, at Rochelle.

Anyway, magkakaroon ng malaking event ang Beautederm sa November 23-25. Ito’y ang National Sales Conventions na gaganapin sa Clark, Pampanga Ang speakers niya ay sina Boy Abunda, Francis Kong, at Chinkee Tan. Gusto rin niyang matuto ang mga seller niya. (RFC)

About Roldan Castro

Check Also

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nagsisi nang magpagupit ng buhok sa ibang bansa

MATABILni John Fontanilla MUKHANG pinagsisihan ni Maine Mendoza ang ginawang pagpapagupit ng buhok na maiksi sa ibang …

GMA The Boys of Summer

Boys of Summer palaban sa ganda ng katawan at sex appeal

KUNG mayroong Sparkle 10 ladies na super display ng kanilang magaganda at seksing mga katawan, matindi rin …

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *