Saturday , April 20 2024
Stanley Pringle Christian Stand­hardinger
Stanley Pringle Christian Stand­hardinger

Pringle, Standhardinger  sipa sa Nat’l team?

MAWAWALAN ng pu­westo sina Stanley Pringle at Christian Stand­har­dinger kung sakaling makabalik si NBA veteran Andray Blatche sa Pam­ban­sang koponan.

Hinayag ni national coach Yeng Guiao matapos nitong  tuluyang limitahan na lamang ang koponan sa 15 miyembro para mas madali nitong maisasa­gawa ang pagpapalitan at mabuo ang “chemistry” sa pagbabalik pagsasanay sa Enero 21.

“Most of them will be back at saka ‘yung pool natin, maliit na lamang para mas madaling pumili. Mas madali rin nilang maaabsorb ang game plan at mas madali silang ma­tuto kapag nagpractice kami. Not necessarily na lahat ng mga dati ay kasama kasi madadagdag na si Andray Blatche,” hayag ni Guiao.  

“Blatche is a game changer, the only concerned about is what type of condition is he in, kapag talagang maganda ang condition niya at moti­vated siya, he will make a lot of change in the national team,” dagdag ni Guiao.

Sinabi pa ni Guiao na lubhang nakakadismaya dahil mawawalan ng puwesto sina Pringle at Standhardingers dahil nakalista ang tatlo kasama si Blatche bilang mga naturalized player.

“Naturally mawa­walan sila ng slot, that’s the harsh reality that we have to face. Desmayadong-desmayado talaga ako. ani Guiao.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Smart Asian Volleyball Confederation Nuvali

Asia’s beach volleyball squads maglalaban sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open

ELITE action returns sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa at ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *