Wednesday , February 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Pinoy nurse nanalo ng P1.4-M sa Dubai Shopping Festival
Pinoy nurse nanalo ng P1.4-M sa Dubai Shopping Festival

Pinoy nurse nanalo ng P1.4-M sa Dubai Shopping Festival

MASUWERTENG nanalo ang isang Filipino nurse ng Dh100,000 o katumbas na P1.4 millyong papremyo mula sa isang mall sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Dubai Shopping Festival (DSF).

Sa ulat, nagwagi si Angela Mortos, isang Pinay nurse na naka-base sa Dubai.

Nakasali si Mortos sa contest na Million Dirham Wheel ng City Center Mirdif matapos siyang gumasta ng Dh2,000 (P28,000) halaga sa kaniyang pa­mimili.

Pinaikot ni Mortos ang raffle wheel kung saan nakasulat ang halaga ng kaniyang mga mapapa­nalunan.

Ayon kay Mortos, pag­lalaanan niya ng kaniyang napanalunan ang pag-aayos ng li­bingan ng ka­niyang ma­gulang na pumanaw 10 taon na ang nakararaan.

Gusto rin ni Mortos na balatohan ang janitor na nakatalaga sa gusali na ka­niyang tinu­tuluyan sa Dubai dahil sa pagiging mabait nito.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top