Saturday , April 20 2024

Phoenix-FEU kontra Café France

MATAPOS na makumpleto ang pagwalis sa magkahiwalay na kalaban sa semis, sisimulan ng Cafe France at Phoenix Petroleum ang best-of-three serye para sa kampeonato ng PBA D-League Aspirants Cup mamayang hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Halos parehas ang laban ng Bakers at Fuel Accelerators na naghahangad na makauna agad sa Game One na magsisimula sa ganap na 3 pm.

Tinalo ng Cafe France ang Tanduay Light sa Game One (65-58) at Game Two (72-63).  Dinaig naman ng Phoenix ang CaIda Tiles sa Game One (90-83) at Game Two (94-90).

Nais ng Bakers ni coach Edgar Macaraya na maisubi ang ikalawang sunod na titulo matapos na mamayagpag sa nakaraang Foundation Cup.

Hangad naman ni Phoenix coach Erick Gonzales na matularan ng Fuel Accelerators ang nagawa ng Hapee Toothpaste na kumumpleto ng Cinderella finish noong nakaraang season.

Ang Phoenix Petroleum ay binubuo ng nucleus ng Far Eastern University Tamaraws na nakampeon sa UAAP noong nakaraang season. Kabilang sa inaasahan ni Gonzales sina Mike Tolomia, Roger Pogoy, Russell  at Richard Escoto, ReyMar Jose, Alfredo Tamsi at Southeast Asian Games veteran Mac Belo.

Ang Cafe France ang natitirang founding member ng liga.  Matapos ang apat na taon ay natikman din ng Bakers ang kampeonato matapos na talunin sa Finals ang Hapee Toothpaste.

Main man ng Cafe France ang Congolese sentrong si Rodrigue Ebondo kasama ang mga kakampi niya sa Centro Escolar University na sina Alvin Abundo, Aaron Jeruta at Joseph Ryan Celso.

Naidagdag ni Macaraya sa kanyang line-up sina Bryan Cruz, Jess Mar Villahermosa, Jamison Cortes Paul Zamar, at Samboy de Leon.

( SABRINA PASCUA )

About Sabrina Pascua

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *