Saturday , April 27 2024

PH full-heightened alert status — PNP (Checkpoints sa Metro pinaigting)

IPINAG-UTOS kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar sa mga district director at chief of police  na magsagawa ng mga checkpoint at inspeksiyon sa kanilang mga nasasakupang lugar sa Metro Manila.

Ito’y matapos ang nangyaring pambobomba sa simbahan sa Jolo, Sulu kamakalawa ng umaga na ikinasawi ng 20 katao at ikinasugat nang mahigit sa 100.

Inilagay na sa “full-heightened alert status” ang buong bansa kasunod nang mahigpit na direktiba ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde kay Eleazar.

Ayon kay Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Eliseo Cruz, higit aniyang paiigtingin ang mahigpit na checkpoint sa mga entry at exit point ng Metro Manila upang hindi malusutan ng masasamang elemento partikular ang maghahasik ng karahasan tulad ng grupo ng mga terorista.

Magsasagawa nang mahigpit na pagbabantay sa matataong lugar tulad ng mga simbahan, shopping malls at terminals.

Nanawagan din ang NCRPO sa publiko na tulungan sila, maging alerto at maging mapagmatyag sa lahat ng oras 24/7.

Kapag may kahina-hinalang pagkilos ng ilang indibiduwal at ilang grupo sa kanilang lugar agad i-report sa hotlines ng himpilan ng pulisya upang agad marespondehan.

Inilagay ng buong puwersa ng pulisya sa ”full heightened alert status” ang buong  bansa  partikular ang buong Metro Manila dahil sa naganap na pagsabog sa  simbahan.

About Jaja Garcia

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *