Thursday , March 28 2024

PBA Press Corps awards night ngayon

020415 PBAGAGAWIN mamayang gabi ng PBA Press Corps ang taunang Awards Night nito sa Century Park Hotel sa Vito Cruz, Maynila.

Pangungunahan ng pangulo ng PBAPC na si Barry Pascua ng Bandera, Bagong TIKTIK at HATAW ang awards night kung saan magiging espesyal na panauhin ang bagong komisyuner ng PBA na si Andres “Chito” Narvasa, Jr.

Dadalo rin sa awards night ang dating komisyuner ng PBA at ngayon ay pangulo at CEO ng liga na si Chito Salud at ang mga opisyal ng liga sa pangunguna ng bagong tserman na si Robert Non ng San Miguel Corporation.

Si Leo Austria ng San Miguel Beer ang napili bilang Coach of the Year ng PBA Press Corps dahil sa kanyang mahusay na paggabay sa Beermen sa dalawang titulo noong huling PBA season.

Napili naman bilang Executive of the Year si Patrick “Pato” Gregorio ng Talk n Text dahil sa kanyang mga ginawa noong huling season kung saan nagdagdag ng tatlo pang bagong koponan ang PBA, bukod sa pagdala ng mga imports na Asyano sa Governors’ Cup.

Ang iba pang mga awardees ng PBAPC ay sina June Mar Fajardo bilang Defensive Player of the Year, Calvin Abueva bilang Mr. Quality Minutes, Terrence Romeo bilang Scoring Champion, Paul Lee bilang Order of Merit Awardee, Alex Cabagnot bilang Comeback Player of the Year at ang All-Rookie Team na kinabibilangan nina Stanley Pringle, Matt Ganuelas-Rosser, Jake Pascual, Chris Banchero at Jericho Cruz.

Ngunit hindi makakadalo sa awards night mamaya sina Ganuelas-Rosser, Abueva at Romeo dahil nasa Cebu sila para sa ensayo ng Gilas Pilipinas na naghahanda para sa FIBA Asia Championships sa Tsina sa susunod na linggo.   (James Ty III)

About James Ty III

Check Also

Buhain Richard Bachmann

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong …

Pinoy wreslers Olympics

Pinoy wreslers, kayang umabot sa Olympics

KUMPIYANSA si Wrestling of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar na ang mga repormang ipinatupad …

Kheith Ryhnne Cruz TOPS Olympic

TOPS Olympic slots, target ni table tennis star Kheith Rhynne Cruz

MABIGAT ang hamon na kakaharapin ni Pinay table tennis phenom Kheith Ryhnne Cruz para sa …

30 bolang ginamit sa FIBA Qualifiers, ipinagkaloob sa Pasay LGU

30 bolang ginamit sa FIBA Qualifiers, ipinagkaloob sa Pasay LGU

NAG-DONATE kahapon, 20 Marso 2024, ng 30 bola ang Samahang Basketbolista ng Pilipinas (SBP) sa …

Reli de Leon Antonella Berthe Racasa

High Roller bida sa Triple Crown Stake

IBINABA lamang bilang fifth choice, ninakaw ng High Roller ni Lamberto “Jun” Almeda, Jr., ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *