Saturday , April 20 2024

Palarin kaya si Konsi Jeremy Marquez sa ambisyong maging Parañaque vice mayor?

00 Bulabugin jerry yap jsyBALI-BALITA na tatakbong Vice Mayor ang kasalukuyang Parañaque ABC President na si Jeremy Marquez, ang anak ng kontrobersiyal na actor at dating mayor na si Joey Marquez.

Mukhang idol talaga ni Jeremy ang kanyang tatay na si Joey dahil lahat ng larangan na pinasok nito ay kanya rin sinusundan.

Sinubukan din mag-artista ni Jeremy pero ang naimarka lang sa pag-aartista ay pambababae pero hindi siya umubra sa huling aktres na na-link sa kanya kaya siguro nag-goodbye sa showbiz at pumasok naman sa politika.

Pero ano itong nabalitaan natin,na umaangal din ang mga constituents dahil wala raw significant achievement si Jeremy sa kanyang panunungkulan at gaya nang dati, hindi pa rin siya hinihiwalayan ng kontrobersiyal na tatak ng mga Marquez — ang pagiging lover boy?

‘Yun  lang yata ang alam nating pinag-uusapan tungkol sa kanya.

Sabi nga like father, like son…

Kaya ngayong ibinabando ng kanyang kampo na siya ay tatakbong vice mayor sa Parañaque marami ang nagdududa kung kanyang kakayanin.

Dadalhin naman kaya siya ni Mayor Edwin Olivarez?!

Mangyayari lang siguro ‘yan kapag bumitiw ang mga Golez kay Olivarez.

‘E paano kung hindi?     

Hindi naman kaya maging mabigat na bagahe si Jeremy kay Olivarez?

Bukod d’yan, hindi pa rin nawawala sa imahe niya ang tatak ng kanyang tatay…

Paano na!?

Mukhang hindi siya kasing-popular ng kanyang  step  brother  na  si Vandolph na angat sa survey at paboritong-paboritong maging Konsehal sa area ng Tambo.

Lalo na ngayong tapos na ang term ng kanyang ‘tita’ Ness bilang konsehal.

Malamang, si Vandolph ang magmana ng popularismo ng kanyang ermat.

Paano na ngayon si Jeremy?

Belated Happy Birthday Mayor Tony Calixto!

INUULAN talaga ng biyaya si Pasay City Mayor Tony Calixto.

Kahapon ay ipinagdiwang niya ang kanyang birthday na punong-puno ng biyaya.

Ang unang biyaya ‘e ‘yung tila hirap na hirap ang oposisyon na tapatan si Mayor Calixto sa 2o16 elections.

‘Yan ay kung hindi tutuloy si Ate Shawie na tumakbong alkalde sa 2016!?

Ikalawa ‘e yung nag-aagawan ang aspiring vice mayors na makuha ang kanyang ‘approval’ na maisama sila sa kanyang tiket.

Ikatlo, happy at kontento si Mayor Calixto sa kanyang termino ngayon dahil sa mga nagawa niya para sa lungsod ng Pasay.

Hindi nagtagumpay ang mga nagplanong pabagsakin ang kanyang imahe bilang butihing ama ng Pasay City.

Anyway, huli man daw ‘e nais pa rin natin ipaabot ang pagbati — HAPPY BIRTHDAY, Mayor Tony Calixto and many happy returns of the day.

Cannot be located hepe ng MPD SM-PCP!?

GOOD am sir Jerry, sana mapa-check n’yo kung bakit lagi wala sa SM-PCP ang hepe rito. Mas madalas pa raw nakikita sa  Balut North Bay na nag-ooplan-pitsa este sita. Gus2 na nga ho ng mga pulis dto na magpalipat na lang sa ibang PCP o estasyon. Sana rin ho mabisita ni Gen. Valmoria ang PCP na ito. +63918393 – – – –

Kung sino man ang commander ng SM-PCP, aba’y kung ayaw mo sa pwesto mo, magpa-relieve ka na lang para hindi maapektohan ang serbisyo publiko sa iyong AOR. Magpaliwanag ka SM-PCP Chief!

Inutil ang DSWD lalo na sa Maynila

PAKIBULABOG lang po ang DSWD Boss Jerry. GRABE na po ang dami ng mga kababayan nating natutulog sa kalsada lalo na sa Maynila. Wala man lang bang aksiyon silang gagawin?! Ang daming bata ang nasa lansangan, hindi nakapag-aaral dahil sa napakamahal na gastusin sa eskwela tapos dadagdagan pa ng K-12 program. Hindi na ba talaga nag-iisip ang gobyernong ito?! Grabe na rin ang agwat g mayaman at mahirap. Kung umaapaw at sobra-sobra ang pagkain ng mayayaman, ‘yung mahihirap naman halos hindi sayaran ng pagkain  ang sikmura sa loob ng isang araw. Mas bagay kay PNoy ang maging arkitekto dahil mahilig siyang mag-drawing hindi siya dapat naging presidente ng Pinas.  #+63915434 – – –

50 container vans na basura aampunin ni PNoy!

AYAW nang ipasoli ni PNoy ang 50 container vans na basura from Canada?! Bakeeet?! Ano ang magiging pakinabang ng gobyerno natin d’yan? ‘Yung basura lang nga natin dito sa Pinas hindi nila masolusyonan, magdagdag pa ng 50 container vans na basura?! Nasisira na ba talaga ang ulo ng gobyernong ito?@ Por diyos por santo! Itambak mo ‘yan Malacañang, sa Times St., at sa Haciend Luisita, Noynoy! Utak basura ka talaga! #+630917823 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *