Friday , April 26 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pagbabalik ng drug war sa PNP

KUNG may natutuwa man ay marami ang nababahala sa balita na balak ibalik ni President Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang pangangasiwa sa kanyang kampanya laban sa droga.

Nangangamba sila dahil mula nang masi­mulan ang giyera ng Pangulo sa ilegal na droga nitong nakalipas na taon ay naging kontrober­siyal ito sa dami ng mga nasawing suspek.

May mga nagsasabi na kahit sumusuko na ang suspek ay binabaril pa rin ng mga pulis. Ang iba raw sa mga hinuhuli nila ay hindi naman gu­magamit o nagbebenta ng droga kundi napagkamalan lamang.

Ayaw man natin maniwala na magagawa ito ng mga alagad ng batas ay pumutok naman ang balita ng mga kabataang nasawi umano sa kamay ng mga pulis sa walang kapararakang dahilan.

Kabilang na rito ang 17-anyos na si Kian delos Santos na nakuhaan ng CCTV na kinakaladkad ng mga pulis sa lugar kung saan siya napaslang.

Kahit nakaluhod si Kian sa lupa ay binaril pa rin umano ng mga miyembro ng Caloocan City Police na nanindigan na pusher ang bata na nanlaban sa kanila. Sinibak na ang dalawang pulis na bumaril kay Delos Santos at pati ang kanilang hepe ay tinanggal sa puwesto.

Nang bumaba ang trust rating ng Pangulo sa gitna ng sunod-sunod na nasasawi sa madudugong anti-drug police operations ay ipinasa niya ang pamumuno ng digmaan sa droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mahigit isang buwan na ang nakalilipas.

Ang PNP at pati ang National Bureau of Investigation (NBI) ay pinagbawalan na sumawsaw sa laban sa droga.

Sa loob ng panahong ito ay bahagyang kumalma ang sitwasyon dahil natigil ang mga pa­mamaslang na ayon noon sa walang kamata­yang katuwiran ng mga pulis ay bunga umano ng paglaban ng mga suspek.

Kahit kulang sa tao ay naging matagumpay ang PDEA sa panghuhuli ng malalaking isda kabilang ang mag-inang Yu Yuk Lai at Diane Yu Uy at pagkompiska ng sandamakmak na droga. Pero mukhang hindi pa rin kontento si Duterte at nakukulangan siya sa performance ng PDEA.

Naniniwala ang Firing Line na makabubuti kung ang budget ng PNP sa drug war ay ipapasa sa PDEA para makakuha ang ahensiya ng karagdagang mga tao at makakilos nang lalong maluwag.

Bakit pa tayo nagkaroon ng PDEA kung hindi sila ang pakikilusin para pamunuan ang drug war? Puwedeng magsilbing suporta ang PNP sa bawat operasyon pero huwag na sanang maulit ang walang patumanggang pagtumba ng drug users at pushers na nadadamay pati ang mga inosenteng sibilyan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *