|
Written by Hataw News Team
|
|
Saturday, 04 February 2012 03:19 |
IDINEKLARA ng korte na “null and void” o walang bisa sa simula pa lamang ang kasal nina Kris Aquino at James Yap.
Ayon sa ulat, ang kawalan ng awtoridad ng “solemnizing officer” ang naging dahilan ng pag-dedeklarang walang bisa ang kasal ng dalawa.
Kaugnay nito, inihayag ni King of Talk Boy Abunda, malapit na kaibigan ni Aquino, na nagkasundo na ang dating mag-asawa sa hatian ng kanilang mga ari-arian makaraan ang limang taon nilang pagsasama.
“Yung pinag-uusapang separation of properties ito ay naganap one year before today. Nagkaroon na sila ng agreement na dalawa kung paano hahatiin ang properties approved by the court,” pahayag ni Abunda kamakalawa ng gabi.
|
|
Read more...
|
|
|
Written by Bong Son
|
|
Saturday, 04 February 2012 03:26 |
TINANGGAP ni Ospital ng Maynila (OSMA) director Dr. Jeanette Tan, ang cleaning materials and solutions na ipinagkaloob ng mga barangay chairman mula sa Zone 71 District V na sina Brgy. 659 Chairman Nestor Malabag, Brgy. 659-A Chairman Ligaya Santos, Brgy. 660 Chrairman Abe Sy, Brgy. 660-A Manolito Nieto, Brgy. 661 Chairman Leo Lete, Brgy. 662 Chairman Teresita Sicat, Brgy. 663 Chairman Vangie Cabusay, Brgy. 663-A Teody De Castro, Brgy. 664 Chairman Ruchelie Rellon, Brgy. 664-A Chairman Carmina Torres kasama si Manila Barangay Bureau chief Atty. Analyn Buan. ( BONG SON)
|
|
Written by Anita Agustin
|
|
Saturday, 04 February 2012 03:27 |
|
PUMANAW na ang Ilonggo boxer na si Karlo Maquinto na na-comatose kasunod ng kanyang laban nitong Sabado sa Caloocan City.
Ayon sa ulat, nalagutan ng hininga ang boksingero dakong 10:17 a.m. kahapon sa Far Eastern University Hospital sa Quezon City.
Magugunitang bigla na lamang bumagsak at nawalan ng malay ang 21-anyos boxer ilang minuto pagkatapos ng kanyang laban kay Mark Joseph Costa.
Nauwi sa draw ang nasabing laban.
|
|
Written by Vanz Fernandez
|
|
Saturday, 04 February 2012 03:27 |
ITO ang babala ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga hindi tatalima sa kanyang ipinapatupad na reporma sa Development Bank of the Philippines.
Sa kanyang talumpati sa 62nd anniversary ng DBP, tiniyak ni Pangulong Aquino na pananagutin niya ang lahat ng mga sangkot sa mga anomalya sa DBP noong nakaraang administrasyon.
Naging kontrobersyal ang DBP matapos mabulgar ang behest loan ng kaibigan ni dating First Gentleman Mike Arroyo na si Roberto Ongpin.
Iginiit ng Pangulo na maaaring pasensyoso siya ngunit dapat tandaan na may limitasyon din ang kanyang pasensya sa mga humahadlang sa reporma.
|
|
Read more...
|
|
Written by Jerry Yap
|
|
Saturday, 04 February 2012 03:28 |
NANG maghagis daw ng ‘KAHUSAYAN’ sa paninindikato at panggugulang sa taumbayan ang kampon ng maiitim ang budhi, ‘e nasagap lahat nitong tukmol na si alyas BING at ng kabit niyang si alyas DYANET ng Pasay City Hall.
Naman!
Alam n’yo bang ang isa sa ginagawang paninindikato raw nitong si alyas BING TUKMOL ‘e ang pagkontol sa Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO).
Ang mga pwede lang raw kasing lumahok sa BIDDING sa mga infrastructure project ng Pasay City ‘e ‘yung ang location ng negosyo ay nasa Pasay.
Which is tama naman … ang siste, meron mga nag-apply na mga contractor, years ago na, para makalahok nga sa mga BIDDING.
‘Yan ay in service of Pasayeños, para nga naman maging maayos naman ang mga proyekto sa LUNGSOD.
Ang siste kapag hindi aprub at nakatimbre kay BING TUKMOL, ‘e ipinaiipit niya umano ang pagre-release ng PERMITS.
Resulta: Tapos na ang bidding pero nakatengga pa rin ang application mo?!
‘Yun na!
HUSAY mo talagang rumaket, BING TUKMOL!
At VERY HAPPY naman kayo ng iyong dyowawits na si DYANET.
Pasay City Mayor TONY CALIXTO, kelan kaya ‘SUSUNDUIN’ ang mga KAGAYA ni BING at DYANET na MAIITIM ang BUDHI?!
Ang tagal naman po!!!
Ang ‘asong nauulol’ sa Bureau of Immigration (Memo ni Commissioner ‘di pinansin?)
WALA raw talagang tutang nauulol ... Aso lang, lalo na ‘yung malapit nang maging matsura (ulyanin).
Take the experience of alyas D’MAX (to the max ang bog-li) ng Bureau of Immigration.
Isang ‘damatans’ na palagay ng kanyang mga officemate ay NAUULOL sa kanyang sexytary BOOBA …
Kung dati ay CONTRACTUAL lamang si BOOBA as in ‘confidential agent’ ngayon ay ginawa na siyang ‘CO-TERMINUS’ ng kanyang papable.
Gusto raw kasing patunayan ni alyas D-Max to the max ang bog-li, na mas POWERFUL pa siya kina Commissioner Ricardo David at Justice Secretary Leila De Lima …
Kaya tingnan n’yo naman ang PASIKLAB kay sexytary BOOBA, ginawang co-terminus ang dating contractual lang.
LUPIT mo talaga D’Max!
‘E bakit kaya hindi mo pa ibigay ‘yang PWESTO mo para naman masiyahan nang LUBOS si sexytary BOOBA … he he he …
By the way, lately daw ‘e maraming BI employees ang nakapapansin kay sexytary Booba at worried sila sa pagbagsak ng kanyang katawan?
Medyo nangangayayat at parang dry ang skin niya ngayon … ‘e OBER yata ang sex éste’ activities ni sexytary BOOBA … masyadong nagsisipag kasi nga ginawa na siyang co-terminus. Nakahihiya nga naman sa PATRON niya.
Kaya hayun parang exhausted at dehaydrated daw ngayon ang beauty ni sexytary BOOBA. Hinay-hinay lang kasi D’Max, remember may ‘kasosyo’ ‘este’ may friendship pa si Booba na kailangan din niyang pakisamahan at lambingin ‘e hindi naman laging ikaw lang ang ‘mundo’ niya.
‘Yan masyado tuloy nangangayayat.
Mismo nga raw si BI Commissioner Ric ‘Bigote’ David ‘e medyo naguguluhan na kung ano ang relasyon n’yo ni sexytary Booba kaya nag-issue sya ng MEMO (?).
Totoo ba ‘yan D’Max?
Medyo pinag-i-explain ka na raw kung anong RELASYON meron kayo ni sexytary BOOBA …
Pero DEADMA ka lang daw, at NO REPLY sa memo ni Commissioner …
BIGTIME ka na talaga!
Pati Commissioner ‘e iniisnab-isnab mo na lang …he he he …
Kwidaw D’Max, baka biglang maglabas ng SUPER POWER si Commissioner ‘e mataranta ka!
Ikaw rin!
Impeach trial vs Corona, matapos kaya nang maayos?
IT’S GETTING BORING … in Tagalog word: NAKABABAGOT na!
|
|
Read more...
|
|
|