Friday , April 19 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

NUJP’s “Sign Against the Sign” campaign dapat suportahan ng media workers

DAPAT suportahan ng mga mamamahayag ang signature campaign ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na “Sign Against the Sign.”

Layunin nitong i-repeal ang batas na nag-aatas sa mga kasapi ng media na lumagda bilang saksi o testigo sa isang anti-drug operations na isinagawa ng mga alagad ng batas.

Sa pamamagitan ng nasabing signature campaign, layon ng NUJP na hikayatin ang Kongreso na amyen­dahan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na tanggalin ang mga mamamahayag bilang potential witnesses sa imbentaryo ng kontrabando at iba pang items na nakompiska sa anti-drugs operations dahil nalalagay sa panganib ang buhay nila.

Bukod diyan, bukas na bukas ang media workers sa harassment ng sindikato ng ilegal na droga at ‘yung iba naman ay unaware na nagiging ‘kasabwat’ sa isang situwasyon na hindi nila alam kung totoo o hindi.

Ang paglagda kasi ng mga mamamahayag sa police operations ay hindi lamang nagpapatunay na mayroong naganap na police operations kundi nagpapatunay rin na ang mga suspek ay nahulihan ng nasabing mga kontrabando.

E sa totoo lang, hindi naman kasama sa kabuuan ng plano at operasyon ang mga mamamahayag.

Ayon sa NUJP, naamyendahan na ito sa pamama­gitan ng Republic Act 10640, na optional na lang ang kinatawan ng National Prosecution Service at media.

Pero sa kabila nito, may mga ulat na may mga alagad ng batas na pinipilit ang mga mamamahayag lalo sa mga lalawigan na lumagda bilang witness.

Napipilitan naman ang mga mamamahayag na lumagda kasi kapag hindi sila nagpakita ng kooperasyon ay hindi na sila isasama sa mga susunod na operasyon.

Huwag na po tayong lumayo ng halimbawa, rito lang sa Metro Manila ay maraming photo­journalists ang napipilitang ‘makisama’ sa mga pulis kasi nga hindi na sila isasama sa mga susu­nod na coverage.

Kapag hindi naman nakadalo sa “hearing” sa korte ang mga nakapirmang mga mamama­hayag, padadal­han ng bench warrant at pagmu­multahin pa ng korte.

Pero ang higit na mapanganib dito ay ‘yung napagbabantaan ang kanilang buhay ng mga sindikato o ng ‘ninja cops’ kasi nga pumirma sila.

Mabuti na lamang at nandiyan ang NUJP para pangunahan ang kampanya sa isyung ito.

Diyan natin nakikita ang tunay na malasakit ng mga namumuno sa isang samahan ng mga mamamahayag. Hindi gaya ng iba riyan na naglilider-lideran ng isang organisasyon pero ginagamit lang para sa kanilang pansariling interes at agenda.

Tsk tsk tsk…

SENATE PRESIDENT
TITO SOTTO SINABING
“UNCONSTITUTIONAL”
ANG DESISYON NG SC

KLARO ang posisyon ni Senate President Vicente Sotto II sa desisyon ng Korte Suprema na kumakatig sa Commission on Higher Edu­cation na tanggalin ang Filipino at Panitikan sa mga core subject na dapat ituro sa tertiary level o kolehiyo.

Sabi ni Tito Sen, ito ay unconstitutional at maaaring ikapahamak ng mga susunod na henerasyon sa pag-unawa ng sariling wika.

Aniya, malinaw na nakasaad sa Konstitusyon  (1973 at 1987) na ang wikang Filipino ay wikang Pambansa at wika ng edukasyon ng Filipinas; at dapat na gamiting wikang panturo ang wikang Filipino at opsiyonal ang paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo.

Nanindigan din ang Senate President na ang wikang Filipino ay bahagi ng ating pagkaka­kilanlan bilang ma­ma­mayan kaya nga mas kailangan natin itong ipreserba, palakasin at pangalagaan sa lahat ng panahon.

Hindi natin maintindihan kung bakit pati ang ating pambansang wika ay napagdidiskitahan ng mismong institusyon na dapat ay kasama sa nagtataguyod nito.

Sa totoo lang, sa panahon ngayon, ang daming kabataan ang nagsasalita ng Filipino pero hindi nauunawaan ang pinagmulan nito.

Maraming kabataan ag nagpapakabihasa sa wikang banyaga pero nagiging mangmang sa sariling wika.

Hindi masamang matuto tayo ng ibang wika pero kataksilan sa sariling lahi at pagiging makabansa ang pagbabalewala sa sariling wika.

Iba’t ibang organisasyon at institusyon na ang nanindigan tungkol sa isyung ito, sana lang ay huwag matapos sa pormulasyon ng mga salita ang paninindigan.

Sana’y magkaroon ito ng katuparan  sa pama­magitan ng isang malawak at nagkaka­isang kilos para igiit na hindi dapat tanggalin ang Filipino at Panitikan bilang core subjects sa kolehiyo.

Sana’y magsimula ito sa isang institusyon na gaya ng Senado na may kapangyarihang tapatan ang desisyon ng Korte Suprema.

Suportado ka namin diyan, Tito Sen!

PREHUWISYONG
PRIME WATER
NI VILLAR

MAGANDANG umaga po kaibigang Jerry,

Gusto lang pong ipaalam sa inyo na mula nang mapasok ng Prime Water (March 2018) ang Meralco Village, Lias, Marilao, Bulacan e hindi na gumanda ang takbo ng tubig dito sa amin. 

Gabi-gabi kailangan naming magpuyat at pag minalas-malas pa kahit panghugas ng pinggan wala kaming makukuha. 2:00am – 3:00am tutulo nang mahina, 4:00am lalakas nang bahagya 5:00 am mawa­wala na.

Wala pong nakatakdang oras kung kailan magbibigay. Kapag nagbigay naman ng mga 1:00 am Diyos ko po patak-patak naman, malakas pa yata ang ambon.

Sana po ay matulungan n’yo kami magpa-Pasko pa naman.

Lubos na gumagalang,
RAUL R. BARON, Sr.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *