Saturday , April 20 2024
Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

No car no garage policy

PESTE talaga at walang pakialam sa buhay itong mga traysikel na nakahambalang sa maliliit na kalsada na mistulang bulag ang mga Kapitan ng Barangay na dapat mamuno sa pagpapaalis ng mga bagay na nakasasagabal sa daloy ng mga sasakyan.

Simulan natin sa lungsod ng Pasay, bagama’t may mga pampasahering jeep na dumaraan — biyaheng Cabrera kapag papasok na sa Tramo St., malaking abala at prehuwisyo ang nararanasan dahil sa pagsisikip ng kalsada lalo pa kung may makakasalubong na sasakyan.

Ang siste ay kailanga magbigayan, dahil hindi ka naman pagbibigyan ng mga nakaparadang traysikel sa halip na magamit at lumuwag ang kalsada.

Bagamat sakop na ito ng lokal na pamahalaan, pero ito ay dinaraanan ng public utilities, dapat siguro ay pakialaman na ito ng ahensiya ng MMDA upang mabigyan ng solusyon.

Sabi ni Meyor Tony Calixto, nakahanap sila ng solusyon sa problemang Sagot naman ng apektado, gamitan na ng kamay na bakal ang matitigas na ulo na tricycle operator, isakay sa isang trak ang mga nakahambalang na mga nakaparadang traysikel at huwag nang ipatubos! Mabagsik na desisyon pero kung ‘yan ang nararapat!

Dahil politiko si Mayor ma­hirap kombin­sihin ang mga tao lalo na kung botante dahil malapit na ang eleksiyon kaya dapat makialam na ang nasyonal sa pamamagitan ng MMDA.

Bakit ang illegal vendors, nadedemolis dahil nakapeprehuwisyo kaya sa Tramo St. Dapat na siguro!

Hindi lamang sa Tramo St. dapat ay ‘yung di­na­raanan ng mga pribadong sasakyan na nakaaabala!

Pabor ba kayo sa no garage no car policy? Malamang na ‘di papabor ang mga may kotse, ‘di huwag bumili! Problema mo garahe pero bibili pa rin kasi kalsada pu­­w­­e­deng guma­rahe, ‘yun ang sagot!

Sa Bangkal Ma­kati, ganoon din one way na nga ang mga  kalye pi­na­paradahan na­man ng mga kotse! Puwede naman two way ang kal­ye kung hindi pahi­hintulutan na hu­wag maggarahe!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *