Home
 
China OFW lusot sa bitay Print E-mail
Written by Hataw News Team   
Saturday, 28 January 2012 00:01
IBINABA sa habambuhay na pagkabilanggo mula sa death penalty ang hatol ng Chinese court sa isang overseas Filipino worker (OFW) mula sa Tulunan, North Cotabato dahil sa kasong drug trafficking.

Ito ay batay na rin sa rekomendasyon ng Fuijan Provincial Jail Administration Bureau makaraang nagpakita ng magandang ugali at performance ang OFW na si Richard Bianan.

Kinompima ni North Cotabato 2nd District Rep. Nancy Catamco ang nasabing impormasyon base na rin sa sulat mula kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Esteban Conejos, Jr.

Ayon sa kongresista, ipinabatid ng Philippine Consulate General sa Xiamen, China ang natanggap na note verbale mula sa Fujian Provincial Higher People’s Court na nagkompirma sa commutation ng hatol para kay Bianan.
Read more...
 
. Print E-mail
Written by Jack Burgos   
Saturday, 28 January 2012 00:01
TILA nabigla si Pangulong Noynoy nang makita ang lumang silya-elektrika na minsang ibinantang bibitay sa kanyang amang si Senador Benigno Aquino Jr., noong panahon ng  dating diktador na si Ferdinand Marcos. (JACK BURGOS)
 
Hoyo sa selda vs Gloria tinutulan ni Johnny Print E-mail
Written by Cynthia Martin   
Saturday, 28 January 2012 00:01
TINUTULAN ni Senate President Juan Ponce Enrile kahapon na maikulong sa regular jail si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“Siguro naman igalang natin ‘yung former president ng bansa. We must treat her with a certain degree of civility and dignity,” pahayag ni Enrile.

Nauna rito, naghain ang mga abogado ng Comelec ng omnibus motion sa Pasay City Regional Trial Court, hinihiling na ilipat ang dating Pangulo mula sa Veterans Memorial Medical Center patungo sa regular detention facility.

“If she is going to be convicted, then punish her. But before that, at least given the fact that she has handled this country for 9 years, I think we have to be very careful. Baka naman maging too oppressive tayo, too rigid,” dagdag pa ni Enrile.
 
Emosyon kontrolin (Enrile sa senator-judges) Print E-mail
Written by Hataw tabloid   
Saturday, 28 January 2012 00:01
PINAYUHAN ni Senate President Juan Ponce Enrile kahapon ang kapwa senator-judges sa impeachment trial kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona, na kontrolin ang kanilang emosyon habang ginaganap ang proceedings.

Ang reaksyong ito ni Enrile ay kaugnay sa pag-init ng ulo ni Senadora Miriam Defensor-Santiago kamakalawa kaya kailangan niyang umuwi bunsod ng pagtaas ng blood pressure makaraang tarayan ang miyembro ng prosecution panel sa Senate floor.

“I would like to caution my colleagues to exercise greater civility in dealing with the witnesses, with the lawyers on both sides, as well as with one another in the Senate,” pahayag ni Enrile, impeachment court’s presiding officer.

“As much as possible we should control our emotions so that we can perform our work in such a manner that there’s no impression that we are for or against anyone.
Read more...
 
Raket ng ilegal na papalibing sa Manila North Cemetery laganap pa rin?! Print E-mail
Written by Jerry Yap   
Saturday, 28 January 2012 00:01
GRABE na ang ILEGAL na PALIBING sa Manila North Cemetery.

Mukhang isa na itong industriya!

Ayon sa ilang reliable source, mismong mga taga-North Cemetery ang umano’y kontak sa loob sa bawat ILEGAL na pagbabaon ng mga bangkay.

At s’yempre bawat illegal na paglilibing ay EVERYBODY HAPPY ang mga taga-NORTH CEMETERY.

Ang nakapagtataka rito, paano nakalulusot ang ILEGAL NA LIBING ‘e sa pagpasok pa lang sa GATE ‘e kita na sila.

Ang pinakamababa raw sa ilegal na libing ay umaabot sa P10k sa mga sulok-sulok at bakanteng lote sa North Cemetery.

Mr. Edy Noriega, sir, hindi mo ba alam ang nagaganap na ‘yan sa North Cemetery?

Mukhang patulog-tulog ka lang, Sir, kaya hindi mo nalalaman kung ano ang tunay na nagaganap sa iyong teritoryo!

Tiyak na malalagot ka kay Mayor Fred Lim kapag napatunayan ‘yang raket na ‘yan sa Manila North Cemetery!

Sino ang may-ari ng mga sigang towing trucks sa Pasay City?
ANIM na towing trucks ang inirereklamo ngayon ng mga motorista sa Pasay City.

Ito ang ang SUN VALLEY TOWING SEVICES na nandadagit éste’ gumagala sa mga piling lugar sa Pasay tulad ng EDSA, Macapagal Boulevard, Taft Avenue, at sa gawing hindi nalalayo sa NAIA 1, 2 at 3.

S’yempre, kung saan maraming mabibiktimang motorista ay nandoon sila at matiyagang nakaabang. Para silang mga BUWAYANG nakatago sa KADILIMAN habang nag-aabang ng mga mabibiktima.

Dapat kilalanin ng mga motoristang nadadaan sa Pasay City ang mga towing truck na ito. Dilaw ang kulay at ubod daw nang tapang kung umasta ang mga pahinante at drivers na ang suot ay berdeng t-shirts.

Tubo at pamalong kahoy kaagad ang hawak nila sa tuwing may papalag laban sa kanila.

Noong kampanyahan para sa eleksiyon nakaraang taon ang berdeng t-shirt ang sumisimbolo sa opisyal na kulay ng TEAM CALIXTO.
Read more...