Thursday , April 18 2024

Nakarma na si Mison

00 parehas jimmyTUWANG-TUWA ang rank-and-file employees ng Bureau of Immigration (BI) dahil sinibak na ni Pangulong Noynoy si Siegfred Mison dahil sa talamak na puslitan ng mga fugitive sa immigration jail.

Ibang klase kasi magpatakbo ng bureau si Mison at masyadong mapagkunwari pa,  ayon sa mga empleyado.

Nagmamalinis kuno pero sobrang dumi pala ng pamamahala at palakad sa bureau. Sinasaktan ang mga kumakalaban at nagtatanim ng sama ng loob.

Isa sa naging biktima niya ay si dating Immigration Admin Chief Atty. Quirante  na nagkasakit at namatay.

Magsilbing aral sana ito na pag binigyan ng kapangyarihan dapat alagaaan ito at gamitin sa tama.

“Pinakamasamang naging Immigration commissioner si Mison,” sabi ng mga taga-BI.

Dagdag ng empleyado na nagsumbong sa akin: “Sir jimmy, ito pang mga magagandang CA at IO ay pinapatos pa kahit may Valerie na raw na artista.”

May malawak na farm sa Tagaytay at sa Bataan.

Hindi naman nahinto ang salyahan at balyahan sa undocumented OFW nationwide. ‘Yun mga protection money sa Binondo, Baclaran, Tutuban, Cebu, Angeles at Davao ay tuloy pa rin.

Ang remnants at bata ni Mison na nagpayaman at ang lalaki ng bahay at luxury cars ay dapat imbestigahan ng NBI para sila ay maparusahan.

***

Sa Bureau of Customs naman ay pinalitan na ang retired generals cum collector. Mas dapat na ipalit diyan ay ‘yung mga orig na customs collector na magaling at expert sa revenue collection gaya nina Collector Des Mangaoang, Atty. Rhea Gregorio at Collector Mimel Talusan.

***

Panawagan sa publiko, kung sino man po ang nakakikilala sa isang Engineer Kuno na si Victoriano Ganancial, Jr., ay ipagbigay alam lang po sa NBI. Marami na umano kasing naloko ng taong ‘yan.

Ang modus niya, kunwari kokontratahin ka sa paggawa ng bahay, pagkatapos makuha ang pera na kalahating down payment sa pinagusapan ninyo, sasabihin niya tumakbo na ang partner niya.

Grabe ang modus ng taong ‘yan!

***

By the way, ipinagkakalat daw nina Titus at Alma sa Customs OCOM na binigyan tayo ng pamasko.

Nagulat tayo sa mga taong ‘yan. Ang kapal naman ng mukha nila na magsalita na nanghihingi pa tayo.

Kawawa naman si Comm. Bert Lina, ibinabaon ninyo sa kawalanghiyaan ninyo.

About Jimmy Salgado

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *