Friday , April 26 2024

Marc Lambert, hiwalay na sa ex-GF bago pa sinagot ni Vina


SINAGOT na ni Vina Morales sa pamamagitan din ng social media ang akusasyon sa kanya na idinaan din naman sa social media na pinagbabawalan daw niya ang kanyang boyfriend na si Marc Lambert na bisitahin ang naging anak niyon sa ex girlfriend.

Sinabi ni Vina na hindi niya pinipigilan si Marc, in fact kahit na siya ay gusto niyang makita rin ang anak niyon. Tamang attitude lang naman iyon, dahil kung magkakatuluyan nga sila ng kanyang boyfriend, hindi naman puwedeng hindi rin niya pakitunguhan ang ibang anak niyon. Isa pa, single parent din naman si Vina at siguro hindi naman niya gagawin sa iba iyong bagay na hindi rin niya nagustuhang nangyari sa karanasan niyang iyon.

Pero may kaunting katarayang sinabi ni Vina, nine months na raw palang split ang kanyang boyfriend at ang ex niyon bago niya sinagot ang manliligaw niya.

May issues na hindi pinapansin at hinahayaan na lang lumipas. May mga issue naman na kailangang huwag palampasin at sagutin agad. Isa iyan sa mga issue na dapat talaga sinasagot agad at tama ang ginawang iyon ni Vina , para malinis naman ang kanyang pangalan sa maling bintang sa kanya.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *