Friday , April 19 2024

Libreng ‘house to house’ health care (Target ng Ang Probinsyano Party-list)

HOUSE to house delivery ng libreng health care sa pintuan ng bawat pamilyang Filipino ang target ng Ang Probinsyano Party-List sa oras na maupo sa House of Representatives.

“Ang kalusugan at kapakanan ng ordinar­yong pamilyang Pinoy ang aming prayoridad,” sabi ni Ang Probinsyano Party-List (AP-PL) nominee at health advo­cate na si Edward delos Santos.

Hangad niya sa lalong madaling panahon, ang bawat pamilyang Pinoy, lalo na ang mga nakatira sa mga probinsiya,  ay makikinabang sa pangangalaga at pag-aaru­ga ng isang health care worker na bibisita mismo sa kanilang mga bahay.

“Isipin n’yo na lang kung ang bawat pamil­yang Pinoy ay regular na mabibisita ng isang well-trained nurse o midwife. Hindi na nila kailangan pang lumabas ng bahay para makakuha ng serbisyong medikal at pangkalusugan. Hindi na kailangan mag-day off o kaya ay mag-absent sa eskuwela para magpa-check up. Ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya ay mamomonitor nang maigi at ang mga sakit ay maiiwasang lumubha.”

Ang ganitong klase ng health care system ay naging matagumpay sa Cuba na tulad ng Filipi­nas ay isang developing country.  Ang Cuban Health Care System ay kinilala ng World Health Organization bilang mo­delo para sa ibang bansa.

Nagawa nitong ma­ka­kuha ng first-world health statistics sa pama­magitan ng paggamit ng prinsipyo ng preventive medicine. May mga dedi­cated na health workers na nakatalaga sa bawat pamilya upang ma­monitor ang kanilang kalusugan at maiwasan nila ang pagkakasakit.

“An ounce of pre­vention really is better than a pound of cure,” dagdag ni Delos Santos. “Kung may ganito tayong sis­temang pang­kalusu­gan, makatitipid ang gobyerno kapag mas kakaunti ang taong kinakailangang maospital. Mainam rin ito para sa negosyo dahil kapag malusog ang mga trabahador mas magiging productive sila sa trabaho. Mainam rin ito para sa ating ekonomiya.”

Kamakailan ay pinir­mahan ni President Rodrigo Duterte ang  Universal Health Care Act, na ang bawat Pinoy ay naka-enrol sa National Health Insurance Pro­gram at nagbibigay sa bawat Filipino ng “immediate eligibility” at access to preventive, promotive, curative, rehabilitative, and pallia­tive health services.

Sinabi ni Delos Santos, kabilang sa legislative agenda ng AP-PL ang pagseseguro na ang implementasyon ng batas ay sang-ayon sa Cuban health system. Sakaling maihalal sa Kongreso, titiyakin ng AP-PL ang pagtatalaga ng mga barangay health workers at nurses para sa regular na libreng house-to-house check-up sa mga pamilya. “Lahat ng pamilya ay dapat makinabang. Dapat may isang health worker na naka-assign sa bawat isa sa 42,044 bara­ngay ng  bansa,” ani Delos Santos.

HATAW News Team

 

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *