Thursday , April 25 2024

Lance Raymundo, gustong makilala bilang Kuya ng San Juan

101215 Lance with zamoras

00 Alam mo na NonieNAKA-FOCUS sa paglilingkod sa mga kababayan niya sa San Juan City si Lance Raymundo. Naniniwala ang singer/actor na bahagi ito ng kanyang misyon sa buhay. “I wanted to be certain that even if I’m in politics, maipapagpatuloy ko ang mission ko of being a positive inspiration. Nakita ko naman eventually, that it is indeed, possible,” saad ni Lance.

Plano talaga ni Lance ang maglingkod sa mga tao, pero napaaga ito nang na-invite siya ng committee ni Sen. Grace Poe para sa mga bagay na may kinalaman sa Philippine entertainment and culture. Dito raw nag-assume ang ibang tao na may plano siyang pumasok sa politika. “Nang nabasa ng kampo ng mga Zamora, medyo naisip nila na hinog na nga pala ako. Until finally, after more than a month, nakarating ako sa final decision na papasok ako sa politika para makapaglingkod sa mga kababayan ko,” wika pa niya.

Ang ilan sa proyektong gustong tutukan ni Lance ay ukol sa youth and sports. Balak din daw niyang makilala bilang entertainment city ang San Juan. Kaya gusto niyang magkaroon ng annual San Juan City Film Festival sa kanilang lugar.

Ayon pa kay Lance, gusto niyang makilala bilang Kuya ng San Juan. “Ang nangyaring aksidente sa akin, parang symbolic iyon sa lahat ng pinagdadaanan ng mga youth, ‘di ba? If you look at it in a non-religious way, number-one, bakit madali ako gumaling? Because, I live a wholesome and healthy life.

“Never akong pumasok sa mga bisyo like smoking, drinking or drugs. So, yung katawan ko, agad siyang nag-regene-rate. So base sa example na talagang nangyari sa akin, gusto kong ipakita sa mga kabataan na tignan nila ang nangyari kay Kuya Lance, dahil gusto ko rin na maging Kuya ng San Juan e, iyon ang plano ko – na lumaki akong walang bisyo, naaksidente ako at gumaling agad ako,” saad ni Lance na idinagdag pang kasali ang education at value ng family sa tututukan niya.

Kabilang si Lance sa tiket nina Congressman Ronnie Zamora na ang kandidato sa pagka-mayor ay ang Vice Mayor ng San Juan na si Francis Zamora at ang incumbent Konsehal na si Totoy Bernardo naman ang kanilang Vice Mayor.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *