Friday , March 29 2024

Kim, nagdasal para manalo ng award

NAGSIMULA ang lahat sa balitang nagdasal si Kim Chui sa Penafrancia church sa Bicol para kumita ang kanyang pelikulang One Great Love, isa sa walong pelikulang kasali sa 2018 Metro Manila Film Festival. Kasama niya rito sina Dennis Trillo at JC de Vera, handog ng Regal Films.

Sa pelikulang ito ay pumayag magpaka-daring ni Kim dahil tamang panahon ito na iwan ang pagpapa-tweetums at mag-mature sa kanyang mga papel na gagampanan.

Bilang pagpapatunay, pumayag siyang magkaroon ng bathtub scene.

At dahil Chinese ang kanyang producer, ipina-feng shui nito ang presscon na itinaon sa Lunes dahil iyon ang pinaka-best na araw.

May balitang mataimtim na ipinagdasal ng aktres na manalong best actress sa festival.

Base rin sa obserbasyon ni Direk Eric Quizon, malaki ang iginaling ni Kim sa pag-arte dahil sa pag-mature nito.

Kung sabagay, sa dasal maraming nagkakatotoo. ‘Ika nga walang imposible.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *