Friday , April 26 2024

Josh Yape, hahataw na sa mundo ng musika

092515 Josh

00 Alam mo na NonieISA na namang aspiring singer ang gustong pasukin ang mundo ng musika sa katauhan ng 14 year old na si James Joshua ‘Josh’ Yape, Grade 8 sa Pag-Asa National High School. “Nahilig po akong kumanta noong 5 yrs old po ako. Noong bata po ako, Aegis ang gusto ko, ngayon po ‘yung songs ni Erik Santos,” saad ni Josh.

Favorite singers niya ang Aegis, sina Ogie Alcasid, Erik Santos at Angeline Quinto dahil daw, “Magagaling po silang kumanta, gusto ko po ‘yung timbre ng boses nila. Sa tuwing nagpe-perform sila on stage, pinanonood ko at pinag-aaralan ang technique nila. Gusto ko rin kasi matuto na i-impersonate sila.”

Ang kanyang mommy Memo-ry at Dad na nasa ibang bansa ang nag-impluwensya sa kanya sa pagkanta. ‘Si mama po kasi, dati siyang tumutugtog ng banduria. Doon po ‘yun nagsi-mula hanggang nahasa ang bo-ses ko.”

Aside from singing, may ibubuga rin siya sa dance floor like his idols na sina John Prats, Billy Crawford, Vhong Navarro, at Enrique Gil. Isa sa dream ni Josh ang makapag-perform sa Araneta Coliseum pero ‘di naman daw siya nagmamadali. Step by step ‘ika nga, dadaan daw muna siya sa Farmers Plaza, Isetann Mall, Music Box, Zirkoh, Teatrino, Music Museum bago iyon.

“Dream ko rin po na makasama ang favorite singers ko na sina Aegis, Angeline at Erik on stage. Isang malaking achievement ‘yun sa akin kung mangyayari po balang araw. Isa pa sa dream ko ay makasama sa isang TV show.”

Tapos nang mag-recording si Josh ng carrier single niyang Kahit Malayo Ka, ang se-cond single naman niya’y Maghihintay Ako. Kasama rin siya sa first major concert ni Hazel Mae Ursais sa Isetann Cinema 3, Recto sa Sabado, Set. 26 at may

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nagsisi nang magpagupit ng buhok sa ibang bansa

MATABILni John Fontanilla MUKHANG pinagsisihan ni Maine Mendoza ang ginawang pagpapagupit ng buhok na maiksi sa ibang …

GMA The Boys of Summer

Boys of Summer palaban sa ganda ng katawan at sex appeal

KUNG mayroong Sparkle 10 ladies na super display ng kanilang magaganda at seksing mga katawan, matindi rin …

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *