Friday , April 26 2024

Jadine, panlaban ng Viva sa Kathniel ng ABS-CBN (Diary ng Panget, Graded B ng CEB)

 

ni  Maricris Valdez Nicasio

NAGULAT kami sa response ng mga teen-ager na sumugod sa Trinoma Cinema noong Martes ng gabi para sa premiere ng Diary ng Panget na nagtatampok kina James Reid, Nadine Lustre, Andre Paras, at Yassy Pressman.

Hindi namin akalain na ganoon na rin karami ang fans ng tambalang James at Nadine o Jadine na sa bawat paglabas sa screen ni Nadine lalo na ni James ay grabeng tiliian ang maririnig. Sa aming nasaksihan, may mga nagsasabing may pantapat na o puwede nang ipantapat ng Viva ang Jadine loveteam sa Kathniel o KathrynBernardo at Daniel Padilla loveteam ng ABS-CBN2.

Ayon nga sa aking kaibigan/kaklaseng si Leigh Legaspi, assistant vice president of video marketing and label manager ng Viva, na hindi sila  magkamayaw sa sobrang dami ng taong gustong magpa-picture at magpa-authograph sa Jadine loveteam. Sila man ay gulat sa napakaraming supporter ng loveteam ng dalawa. Si Leigh po kasi ang madalas na kasama o namamahala sa mga mall tour ng Diary ng Panget kaya naman alam niya kung gaano ka-successful lagi iyon.

Kaya sa fans ng Jadine na gusto silang makita ng personal, puwede n’yo silang puntahan ngayong Biyernes sa Trinoma; April 5 sa SM Sta Rosa; at sa April 6 naman ay sa SM Taytay.

Sa text naman ni Ferlin Buenviaje, assistant publicity manager ng Viva, dalawang sinehan sa SM Fairview ang punumpuno at sobrang haba ng pila para makapanood ng Diary ng Panget. May mga natanggap pa kaming text na marami pang sinehan ang pila rin para sa naturang pelikula.

Samantala, Graded B naman ang Diary ng Panget ng Cinema Evaluation Board. Ang Diary ng Panget ay idinirehe ni Andoy Ranay at palabas na sa mga sinehan sa kasalukuyan.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *