Saturday , April 20 2024

‘Honesty is the best policy’ 

00 pulis joeyMULA elementary, high school hanggang college at maging sa military school ay ikinikintal ng mga guro sa isipan ng kanilang mga estudyante ang pangungusap na ito: “Honesty is the best policy.”

Ito kasi ang naging tugon o reaksyon ni Senadora Grace Poe nang paringgan siya ni Vice President Jojo Binay na walang karanasan at delikadong ipagkatiwala ang pamumuno sa bansa.

“Ang kailangan ng ating bansa ay de-ka-lidad at tapat na lider,” diin ng Senadora.

Korek!

Si Binay ay nahaharap ngayon sa maraming kaso ng katiwalian sa Ombudsman. Nabuking din ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng Central Bank na ang Bise Presidente ay may bilyones sa iba’t ibang banko gamit ang kanyang umano’y dummies na mga dating tauhan partikular ang nawawalang sina Gerry Limlingan at Ebeng Baloloy na may bilyon-bilyong pera sa kani-kanilang bank accounts.

Si Poe, anak ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr., ay isa sa mga pinagpipiliang presidentiables na iendorso ni Pangulo Noynoy Aquino sa darating na halalan.

Kailan lang pumasok sa politika si Poe, na nag-No. 1 sa senatorial election noong 2013. Maiksi palang talaga ang kanyang karanasan sa public service. Pero makikita sa pagkatao niya ang pagiging parehas at matapat.

I think… magiging magaling siyang lider ng mahigit 100 milyong Filipino.

Anyway, nasa ating mga botante pa rin nakasalalay kung sino ang gusto nilang maging successor ni PNoy: Ang isang kulang pa sa karanasan pero de-kalidad at tapat o ang isang trapo (traditional politician) na punong-puno ng kaso ng katiwalian?

Kung mahal n’yo pa ang Pilipinas at galit kayo sa korupsiyon, alam n’yo na kung sino ang da-pat isulat sa balota sa darating na eleksyon!

Gabayan nawa tayo ng Panginoon…

Reaksiyon ng texters sa Poe vs Binay 2016:

– May 2016 na ang national and local elections. Grace Poe ang karapat-dapat na botohan sa pagka-pangulo ng Pilipinas, hindi si Binay. Hindi sukatan ang walang karanasan sa pamumuno mg bansa o haba ng serbisyo. Ang kaila-ngan nating pangulo ngayon ay may kalidad at katapatan, hindi mandarambong at hindi sinu-ngaling!. – 0949698…

– Sir Joey, lagi ako nagbabas ang kolum mo. Binay parin ako. – Rod Franco ng Nueva Ecija

– Dear Joey, ako po ay isang matanda na at palaging nagsusubaybay sayong kolum. Taga-Cadiz City ako. Sorry lang ho, hindi ako masyado marunong magtagalog. Ang buo kong pamil-ya ay para jay Poe. Mabuhay! – 09129330…

– Gud day. Kung ako ang tatanungin sa Binay o Poe? Gusto ko bago, Poe sa President at si Trillanes ang Vice. Di sila korap at makaba-yan! – 09359498…

– Kung ang pagpipilian sa pagkapangulo sa 2016 ay si VP Binay o si Sen. Poe, si Poe nalang. Kasi kahit bagito pero siya ay tapat at malinis. Samatala si VP Binay ay may karanasan pero umano’y sa pagnanakaw. Pero mas lalong mabuti kung si Mayor Digong Duterte nalang ang tatakbo. – 09105639…

– Mr. Venancio, kahit anong paninira ang gawin nila kay Binay ay Binay parin kami dito sa Pasay City. – 09214552…

– Sir Joey Venancio, wala na akong comment. Malinaw pa sa liwanag ng sikat ng araw, kay Grace Poe ako kahit ano pa pintas at alam nila. Kay Grace, damdamin makatao ang una sa katangian nya – 09081071…  

Kolektong ng MPD PS-4

– Gud am, Sir Joey. Itong pulis na si Michael alyas “Rex Pulis” na kolektor, taga Station 4 (MPD) araw araw nangongolekta dito samin. Pag hindi po kami nakapagbigay, tinatadtayan paninda namin. Abusado nitong pulis na ito. Lagi niya nalang ginagawa ito sa amin. Sana ipatapon ito ni Mayor Erap sa Mamasapano! – Vendor

Biyahero laging stranded sa pier sa Matnog

– Sir Joey, sana matulungan nyo kaming biyahero papuntang Visayas. Kasi lagi nalang stranded dito sa pier ng Matnog. Wala kasing aksyon ang PPA dito sa Matnog. Kaming taga-trucking ang kawawa. Aabutan kami dito sa daan nakapila, isang linggo bago makapasok sa pier. Sana naman po matulungan nyo kami. Hindi namin alam kung saan kaming ahensya ng gobyero magreklamo. Kaya sa inyo kami hihingi ng tulong. Maraming Salamat po. – 09202263…

Paging Department of Transportation and Communication, pls. check this problem, mga Sir! Palagay ko ang “lagay’ sa PPA sa Matnog ang problema.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *