Saturday , April 27 2024

Golovkin abot-kamay ang Boxer of the Year Award

120814 golovkinMALAKAS ang kontensiyon ngayong taon ni Gennady Golovkin para talunin ang mga llamadong sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather para sa presitihiyosong Boxer of the Year Award.

Sa pinakahuling on-line voting, kumulekta ng 68.7% votes si Golovkin at ang pinakamalapit sa kanya ay ang boto ni Pacquiao na may 25.3%.

Ang iba pang kandidato para sa prestihiyosong award ay sina Mayweather, Sergey Kovalev, Canelo Alvarez at Terence Crawford.

Matibay na kandidato si Golovkin sa nasabing award dahil naging matagumpay siya sa tatlong title defence niya sa taong 2014.   Noong Pebrero ay tinalo niya si Osumanu Adama sa Monte Carlo; noong July 26 ay na-TKO niya ang Aussie boxer na si Daniel Geale sa 3rd round;   at ang huling kalaban niya ay Marco Antonio Rubio ng Mexico na pinahiga niya sa lona sa loob lang ng dalawang rounds.

Sa huli namang Ring Poll mula sa RingTV.com ay lamang pa rin si Golovkin na may 42.58%, si Pacquiao ay may 27.56% at si Mayweather ay may 15.90%

Ang susunod na laban ni Golovkin ay mangyayari sa Pebrero 21, 2015 kontra sa British boxer na si Martin Murray sa Monte Carlo, Monaco.

About hataw tabloid

Check Also

1st CNES Chess Tournament

1st CNES Chess tourney sa Mayo 11 na

Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop …

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *