Saturday , April 20 2024
Stab saksak dead

Ginang tigbak sa saksak (‘Di nagpautang ng alak)

PATAY ang isang ginang makaraan pagsa­sak­sakin ng isang lasing na lalaki na hindi niya pinautang ng alak sa Meycauayan, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang bik­timang si Gina Peru, 47, residente sa Brgy. Perez sa nabanggit na bayan.

Agad nadakip ng mga awtoridad ang suspek na si Julius Victorino, 28, residente  rin sa nasabing lugar.

Ayon kay Supt. Santos Mera, Jr., hepe ng Meycauayan police, nagalit ang lasing na suspek sa biktima dahil ayaw siyang pautangin ng alak.

Pagkaraan ng ilang sandali ay bumalik ang suspek sa tindahan at pi­nagsasaksak ang biktima.

Nakatakdang sam­pahan ng kasong murder ang suspek.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *