Friday , April 19 2024

Ginang dedbol sa ratrat

DEDBOL ang isang ginang makaraang pagbabarilin sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga.

Patay noon din sa harap ng isang sari-sari store ang biktimang si Aurora Ramos-Lumahan, 48-anyos, sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 ba-ril sa ulo.

Ayon sa isang Rolando Paraiso, may-ari ng tindahan, narinig niya nang kumatok ang biktima habang sila’y nano-nood ng TV sa loob ng tindahan kasunod ng putok ng baril.

Sa  imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), tumagos ang isang bala na tumama  sa noo ng biktima, ang pangalawa nama’y sa tapat ng kanyang ilong.

Nabatid na mayroon walong anak ang biktima at tatlo sa kanila ay may sariling pamilya habang nasa kanyang poder ang limang iba pa.

Inaalala ng mga kaanak ng biktima kung sinong mag-aalaga sa mga anak  ni Lumahan na nitong Huwebes lang, nakulong ang kanilang ama nang mahulihan ng bala ng baril bukod sa isinasangkot din sa ilegal na droga.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *